The forgotten memories

1428 Words
"NAPAKA-KAPAL ng mukha mong umuwi dito matapos mong patayin ang kapatid mo!" "I did not kill kuya. I swear. Aksidente lahat ng nangyari. " nagmamaka-awang sabi ko "Aksidente? Well,Hindi na 'ko magtataka kung ginawa mo iyon para sa pera. " hindi makapaniwalang napatitig sa kanya. "Ano ba naman. Please don't think of me that way. I'm not that pathetic." kahit may bahid ng pagkainsulto, mahinhin at nagmamakaawa pa din ang mukha kong nakikipag-usap sa kanya. "Of course I'll think of you this way because it's the real you. A pathetic gold digger, and now...a murderer." napaawang ang labi ko dahil sa mga insultong nadinig. " I did not kill kuya, i did not kill anyone! " pasigaw nang sabi ko dahil hindi ko na kinaya ng pasensya ko. Ayoko nang magbait-baitan sa malditang madrasta na yun. Lumapit ako sa kanya. " Don't even dare calling me as a murderer or a gold digger anymore. Don't make me as your mirror." Matapang na sbabi ko, habang pinupunas ang kaisa-isang butil na dumaloy sa pisngi ko. . . . Halos mabulag ako nang bigla kong imulat ang mga mata ko. Ganoon na ba ako katagal natulog? Pero teka,anong klaseng panaginip yun?Sino yung nga yun?Sino yung kuyang pinatay? Inilibot ko ang paningin ko sa paligit, at napagtantong... hindi pamilyar ang kwartong kinaroroonan ko. Nasaan ako? Simpleng silid lamang ito.Hindi pang mayayamanin ang mga gamit.Simple pero maganda at malinis tignan.May kaluwangan din ang silid,hindi ganoon kasikip. Biglang may pumasok na mag-asawa sa loob ng silid. At nang makitang naka-upo na'ko at mulat na mulat na ang mga mata, sobra ang gulat nila at napatakip pa ng labi gamit ang palad ang ginang. Sino ang mga ito? Kamag-anak ko kaya?Sila kaya ang may-ari nito? Dali-dali silang lumapit sa'kin at niyakap ng mahigpit. "Salamat sa Diyos gising ka na!" umaapaw ang tuwa'ng sabi ng ginang habang nakahawak sa pisngi ko ang kanang palad niya. " Anong gusto mo. Tubig? Nagugutom ka ba? O baka nauuhaw ka? Ano?Anong gusto mo? " sabi naman ng ginoo habang balot naman nito ang aking kanang kamay gamit ang kanyang kanang palad. Bakas na bakas ang galak at sinseridad base sa mga mukha nila. Kaano-ano ko ba talaga ang mga ito? Nang hindi ako umimik, tinitigan nilla ang mukha ko. Nabasa ata nila ang pagka-lito sa mukha ko. "Wala kang maalala?" mahinhin at malumanay na sabi ng ginang. Tumango naman ako bilang sagot. Bumuntong-hininga naman ang ginoo. "Tama nga ang sabi ng doktor." sabi ng ginang na lalong ikinakunot ng noo ko. Ano raw? Doktor? Nadisgrasya kaya ako? "Wala ka talagang maalala? Kahit yung nangyari man lang sayo 'non?" umiling ako. "Eh kami? Naaalala mo ba kami?" pag-iling lang rin ang naisagot ko. "Ako si Marites. Ang nanay mo. At siya naman si Lindo, tatay mo" Natulala ako ng ilang segundo. Hindi kaagad nasink-in sa utak ko lahat ng narinig ko. Sila ang mga magulang ko? May isang butil ng luha ang tumulo mula sa mata ko. Ganito ba talaga ako kaiyakin kahit noon? Hindi ko maalala. Agad ko silang niyakap, ng napaka-higpit. "Ma, pa " naramdaman ko ang mga ngiti nila kahit nakayakap ako sa kanilang dalawa. "Anak ko." sabi ni mama na lalong ikina-iyak ko. Ba't ba ako umiiyak? Siguro masyado ko lang sila na-miss. Nang bumitaw sila sa yakap ko, nagsipunas na kami ng mga tumulong luha namin. " Antagal mong natulog alam mo ba? " sabi ni papa na may ngiti sa labi. " Gaano po katagal? " " Hmm... " sabi nya habang nasa baba ang kanang kamay at nakatingin sa kisame na animo'y nag-iisip, na ikinatawa ko naman. Pati tuloy si mama natawa dahil sa tawa ko. Siguro ang saya saya namin noon, noh. "Magda-dalawang linggo ata." lumaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nya.Dalawang linggo?Ganon katagal? Wow. "Hindi mo maalala kung sino kami kanina...eh ikaw,yung pangalan mo naaalala mo ba?" napaisip ako sa sinabi ni mama.At halis sumakit na ang ulo ko kakaisip kung sino ako pero...hindi ko alam kung sino ako.Ni pangalan ko,edad ko wala akong maalala. "S-sino po ako?Wala po akong maalala." parang maiiyak nanaman ako. Niyakap ako ni mama nang makita ang pagkabasa ng mga mata ko. "Shh.Marikit Valeria.Iyan ang pangalan mo." . . Pagkatapos ng drama namin kanina,tinanong nila kung kaya ko na ba'ng maglakad.Sinubukan ko,kaya ko naman kaya ngayon nandito kami sa kusina naghahanda na ng makakain. " Ma." tawag ko sakanya habang hinahain nya ang tinola na ulam namin. " Hmm?Bakit?" " May kapatid po ba ako?" nginitian nya ako " Oo anak,meron.Si Princess,nakababata mong kapatid. Mas bata alang sya sa'yo ng isang taon." tatango-tango ako habang nakikinig. " Kelan naman po ang birthday ko?" tanong ko ulet. " June 10, 2003" agad akong nagkwenta sa utak ko. " 17 years old na pala ako. Eh si princess po?Eh si Princess po?" " June 24, 2004 naman sya" " Eh nasaan po sya ngayon?" "Nasaan na nga ba ang batang iyon. Pumunta kanina school eh para sa enrollment nyo. Sabi naman ng doktor na magigising ka na bago pa man magsimula ang pasukan kaya sabi ko sakanya i-enrol ka na rin. " Akmang magsisimula na kaming kumain nang biglang may kumatok. " Ma,nandito na po ako" napatingin saakin si mama. " Oh nandiyan na kaapatid mo" Agad tumayo si mama para pagbuksan sya ng pinto.At pagkapasok nya,natulala sya ng tumama ang tingin niya saakin. "Ate?" tumayo ako at pumunta sa harapan nya. "G-gising ka na." medyo kinabahan ako. Baka masungit sya.Baka nag-aaway kami palagi noon at meron syang galit saakin.Baka lagi ko syang iniinis noon kaya ayaw nya saak- "Thank God you're awake." wow inglishera ha. At nang bumitaw sya sa yakap namin,tiningnan nya ako. Kinuha ko na rin na chance iyon para matitigan din ng maigi ang kapatid ko. Mas matangkad ako ng kaunti sakanya.Maputi sya, may katangusan rin ang ilong, manipis ang labi, mahabang buhok at cute na mga mata, at medyo chubby pero hindi mataba.Or in short, mukha syang kuting. Joke, napaka-cute nya. Nginitian nya ako,so nginitian ko din sya.Ang cute nya talaga. Habang kumakain kami,hindi ko maiwasan ang mapatingin sa kanila.At kaapag titingnan ko si Princess,nahuhuli ko rin syang nakatingin saakin. "Oh,ba't ganyan ka makatingin saakin." sabi ko sa kanya with chuckle. "Wala lang.Ang ganda ganda mo kasi ate.Hindi na ako magdududa kung marami ka nang nabasted noon." tumaas ang kanang kilay ko dahil sa sinabi nya. Tumawatawa habang umiilang naman sila mama. "Nabasted? Ni wala nga atang nanliligaw saakin noon eh." "Luh,anong wala.Lagi ka ngang naiinis sa tuwing may magtetext sayo o sasabihing may gusto sila sa'yo eh.Panay ang kwento mo sa'kin ng mga yun tuwing nagkikita tayo." " Nagkikita tayo?Bakit,hindi ba tayo madalas magkita noon?" nakita ko ang paglaki ng mga mata nila mama at papa,at ang pagkagat ni Princess sa pang ibabang labi nya. " Ah,ang ibig kong sabihin ate,syempre maghapon tayong hindi nagkikita kasi nga diba maghapon tayo sa sari-sarili nating room.Ang ibig kong sabihin dun sa tuwing nagkikita tayo,eh sa tuwing uuwi tayo dito sa bahay tas mag-uusap tayo bago tayo matulog,ganon." mahabang explanation nya na medyo hindi ko nagets.Pero ok na yun,namali lang siguro sya ng sabi. " Ah.Kamusta nga pala yung lakad mo kanina.Yung dun sa enrollment." " Maayos naman po ate.Naipasa ko na rin yung mga kakailanganin gaya nang Form 137, Berci and many many more." nakangiting sabi nya. " Thank you" ngiti nanaman ang isinagot nya.Pala-ngiti talaga itong kaapatid kong ito ah.Lalo tuloy syang gumaganda dahil sa parati nyang pag ngiti. "Sya nga pala hindi namin kayo masasamahan bukas ha." biglaang sabi ni mama. "San punta nyo ma?" tanong ni Princess. "Magtatrabaho kami ng papa nyo.At ikaw naman,samahan mo si ate mo bukas,mamimili kayo ng gamit nyo para sa pag-aaral nyo.Bumili na rin kayo ng bago nyong uniform." "Opo" sabay naming sabi ng kapatid ko. Pagkatapos namin kumain,nagboluntaryo kami ni Princess na kami nalang ang maghuhugas ng mga plato.Pero medyo natalagan kami dahil may kadaldalan pala itong kapatid ko,kung ano ano ang pinagsasasabi tungkol doon sa mga nanligaw daw saakin noon na binasted ko.Puro tuloy kami tawa habang naghuhugas. Nasa silid na namin kami,iisa lang pala kasi kami ng kwarto.Kaya pala may kalakihan itong kama. Sabay rin kaming nagshower.Ganito rin siguro kami kahit noon,ginagawa lahat ng bagay ng sabay. Matutulog daw kami ng maaga sabi ni Princess kasi magagalit daw si mama kapag pumasok sya dito nang gising pa kami.Istrikto pala sila. "Good night ate" "Good night, Princess" "Ate, Cess nalang tawag mo sa akin.Ganon mo kasi ako tawagin noon eh." "Good night, Cess." Pagkasabi ko no'n,nagyakapan kami at unti-unti ring nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD