Andy's POV
"Ano Ands, gusto mo ba kunin number ni Andrew?" - pagtatanong ni Dayne na may kasama pang kilig sa boses niya
Sa tuwing maaalala ko talaga na hiningi ni Andrew ung number ni Dayne hindi ko mapigilang mag isip isip ng kung ano ano
Tulad ng
Anong pinag uusapan nila sa text?
O kaya nagtatawagan ba sila?
Sobrang close naba nila masyado ngayon?
Mga ganung bagay! Aish!
"Hindi na. Ayoko, Ah. Sige! Cr lang ako" -pagpapaalam ko sa kanila
Hindi ko na hinintay ma sumagot sila Dayne at Sam, dumiretso na ako sa Cr
"Ang pangit mo talaga" - tinignan ko yung mukha ko salamin
"Sino nga ba magkakagusto sayo? Tsk! Tanga lang yung tao na yun" - para na akong tanga dito sa cr dahil kinakausap ko ang sarili ko
"Haaaays"
Inaamin ko, naiingit ako kay Dayne. Hiningi ni Andrew yung number niya. At anong laban ko? Ang ganda ganda kaya ni Dayne samantalang ako? Ugh! Nevermind!
Lumabas na ako ng cr, syempre hindi naka chin-up
In short nakayuko akong naglalakad sa hallway ngayon
*bugsh*
"Ay! Sorry p... Andrew?"
"Para ka namang nakakita ng multo Andy, hahahaha! teka? Bakit kaba nakayuko habang naglalakad?"
Omg! Andrew Tristan? Nabangga ko? Stupid Andy Trel! Stupid! Pati yung heart ko nagiging stupid na. Bumibilis na naman yung t***k nito!
"Wa-wala. Sige! Una na ako"
Tumalikod na ako sakanya para maglakad paalis ng
May naramdaman akong humawak sa kamay ko
Lubdub.Lubdub.Lubdub.Lubdub
Something weird on my chest? Bakit ba ang bilis talaga ng t***k ng puso kong 'to?
Waaaaaaaahhh!
"Pwede ba kita mayaya mag lunch?"
Humarap ako sakanya at takhang takha kong siyang tinignan.
Seryoso 'to?
Tapos naramdaman ko na lang biglang uminit ang pisngi ko
Okay?
What the hell was that?
--
Nandito kami ngayon ni Andrew sa cafeteria
"So bakit hindi mo kasama sila Sam at Dayne?" - pagtatanong niya
I knew it
Hahanapin niya sakin si Dayne
Naalala ko na naman yung kahapon
Hiningi niya yung phone number ni Dayne
"Ah, sabi ko kasi sakanila mauna na sila sa room"
"Ganun ba?" -aniya
"Alam mo ba....." -napailing siya at ngumiti bago niya ituloy ang sinasabi niya
"Ang teen ager man pakinggan pero...." - he stop for a while and then he chuckled
"Crush ko siya..... Si Dayne..."
SILENCE
Nakakabinging katahimikan
ang awkward
"Pero, to be honest with you, I li......"
Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya kasi feeling ko dudurugin lang nun ang puso ko
Bakit parang ang sakit ng sinabi niya?
Ano 'tong letseng nararamdaman ko?
"Amm? Andrew, una na ako ah"
"Pero teka hindi pa ta......"
Hindi ko na rin siya hinantay na magsalita pa at umalis na ako
Sabi na eh
Gusto niya si Dayne
Ano ba talaga 'tong nararamdaman ko?
Nagseselos ba ako o ano?
Waaaaahh
Di ko na alam
Naglalakad na ako ngayon pabalik sa building ng department namin
Bakit naman parang ang bigat ng kalooban ko?
"Oww? Look who's here"
Lumingon lingon naman ako sa gilid ko
Teka?
Ako ba kausap niya?
"Tss! Ikaw! B!tch ka!"
Parang bigla naman kumulo dugo ko sa sinabi niya!
Nilagpasan ko na lang siya
Ayoko ng away
"Aba't! Hindi pa tayo tapos b!tch!"
hinarangan niya ang dinaraanan ko
"Bakit mo kasama si Andrew sa cafeteria kanina? Diba ikaw yung kaibigan ni Sam na patay na patay kay Andrew? So ngayon nilalandi mo si Andrew? Akala mo naman papatulan ka niya?"
Timpi lang Andy!
Timpi!
Nilagpasan ko lang siya ulit
Tss
Walang kwenta kung makikipag away ako sakanya
"Tingin mo ba sa sarili mo ang ganda ganda mo ha?"
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa dahil sa sinabi niya sakin
"Kumpara sayo? Oo maganda ako!"
Aalis na sana ulit ako pero hinarangan na naman ako ng bruha!
Nakakaloka 'to ah!
Aish!
"Pwede ba padaanin mo ako kung ayaw mo maging pula yang pisngi mong binudburan ng harina este pulbos!"
Tss! Ang puti ng mukha. Akala mo naman mauubusan ng pulbo at make up sa sobrang kapal
Sh*t!
"Oopps! Sareh! Akala ko kasi nauuhaw ka?"
Aish! That hit a nerve!
Timpi pa Ands! Timpi!
Tumingin muna ako sa bruhildang kaharap ko
Nginitian ko siya ng pinaka sweet smile ko bago ako nagsalita
"Unang una sa lahat, hindi ako nauuhaw. At kung mauuhaw man ako syempre hindi ako manghihingi sayo, At kung may problema ka man, dun ka sa police station magreklamo hindi yung nanggugulo ka ng taong nananahimik!"
"Oh? Tao ka pala?" - aniya
Ngumiti muna ako bago siya sagutin
"Hmm. Sa ngayon tao pa ako, pero wag mo ako subukang magalit. Kung ayaw mong kainin kita ng buhay! Rawr!"
Umarte pa ako ng parang tigre!
"Tss. Insane!" - tapos tinalikuran niya ako at naglakad paalis
"pffft"
Duwag!
*clap*clap*
Tumingin ako sa dalawang pumalakpak
"Yan ang Andy namin" - pumapalakpak pang sabi ni Sam
"Iba ka Ands! Ang tapang mo!" - tatawa tawa pang sabi sakin ni Dayne
Seriously
Sa tuwing nakikita ko si Dayne at pinagmamasdan ko siya nanliliit talaga ako
Walang wala ako sakanya
--
Hayyyssss
Kanina ko pa tinititigan tong plano ko
Pinaningkitan ko pa ang hawak kong papel at nilapit ko sa mata ko
Aiisssssh!
May mali talaga sa plato kong 'to eh
(A/N: plato means plates, plates ang tawag sa planong ginagawa ng mga Architecture students. Ay! oo nga pala! Architecture students sila Andy, Sam at Dayne)
Halos masabunutan ko na ang buhok ko!
Aishhh!
Ang pangit!
Ika-crumple ko na sana ang papel ko ng
"Okay naman ah? Bakit mo naman itatapon?" - hinila sakin ng isang nilalang ang aking drawing
"Aish! Ibalik mo mga sakin yan! Engineer ka kaya walang kang alam dito!" - inagaw ko sakanya ang plates ko
"Woah! May design subject naman ako 'no!" - pagmamalaki niya
"Bagay talaga kayong dalawa!" - halos umusok naman ang ilong ko sa narinig kong sinabi ng parating na si Sam kasama niya si Dayne
"Tao kami Sam! Tao!" - tinignan ko naman ang lalaking nang agaw ng plate ko. Aba ang mokong namumula!
"At bakit ka namumula Jake?" -iiling iling na tanong ni Dayne sakanya
Tumawa naman ng malakas itong si Sam! Wengya! Baliw!
"I think kinikilig si Jake" - halos hindi na makahingang sabi ni Sam
Seriously?
Bakit naman siya kikiligin?
Ang abnormal talaga ng mga 'to