Trishna’s POV Pagkatapos naming mag-breakfast sa suite, nag-ayos lang kami saglit and then lumabas na para sa first destination namin. Tinotoo nga niyang Tokyo Disneyland ang unang puntahan. Bigla tuloy na-activate ang inner child ko. Hindi ko alam kung bakit parang mas mabilis ang t***k ng puso ko habang naglalakad kami palabas ng hotel lobby. Maybe it’s because it felt surreal. Ako? Nasa Japan? With Brixton? On a date na hindi ko alam kung dapat kong tawaging date? Kasi sa mata ng ibang tao, pakikiapid pa rin ang ginagawa ko. I am having an illicit affair while I’m still married. Pagdating namin sa may entrance ng Disneyland, halos mapanganga ako. The pastel-colored buildings, the music, the crowd, the giant Mickey-shaped balloons… everything felt like stepping into a different wo

