Lumipas ang tatlong araw na parang isang linggong walang kulay ang buhay ko. Pareho lang ang routine ko… ospital, rounds, charting, minor procedures, uwi sa bahay, kain, tulog at balik ulit sa ospital. Napaka-busy ko pero parang lahat ng ginagawa ko ay naka- autopilot. Kahit ang amoy ng disinfectant at tunog ng mga rubber soles sa hallway ng St. Luke’s ay parang naging parte na lang ng paulit-ulit na ingay sa pandinig ko. Pero sa likod ng lahat ng iyon… tila may kulang. May tahimik na puwang na hindi ko maipaliwanag. Tatlong araw na. Tatlong araw mula nang… gabi na iyon. Tatlong araw mula nang huli kong makita si Brixton Zilon Morris. Hindi ko alam kung alin ang mas nakakainis. Iyon bang ginawa namin, o ang katahimikan niya pagkatapos. Wala man lang tawag, text o kahit simpleng “Are

