Kinabukasan, maaga kaming nagising kahit puyat. Si Brixton parang hindi napagod kahit kagabi ay halos hatinggabi na kami natapos. Ako naman ay medyo groggy pa pero excited… hindi dahil gusto kong gumala ulit, pero dahil sa sinabi niyang may ‘importanteng ipapakita’ daw siya sa akin. Pagbaba namin sa lobby, may naghihintay na black SUV. Siya ang nagbukas ng pinto para sa akin, tapos sumakay siya sa driver’s seat. Tahimik lang ang biyahe, pero hindi uncomfortable… iyong tipong parehong kalmado dahil sa nangyari kagabi, parang mas naging banayad ang lahat sa pagitan namin. “Brixton, sabihin mo na kasi kung saan tayo pupunta! Masyado kang pa-suspense, eh!” reklamo ko. “Malapit na tayo… relax ka lang,” nakangiting sagot niya. After about thirty minutes, pumasok kami sa isang mas industr

