Back to Present Time… Biglang tumahimik ang paligid namin. Tanging ang tunog lang ng mahina at malamig na jazz music at ang mahinang ugong ng aircon ang naririnig ko sa VIP room. Pero sa loob ko, parang may dagundong na hindi matapos-tapos. Hindi ko alam kung bakit bigla akong napunta sa ganitong kalalim na pag-iisip. Siguro dahil sa mga kuwento ni Brixton kanina – kung paano siya muntik nang mamatay, kung paano raw siya iniligtas ng isang babae, at kung gaano niya ito hinangaan. May kung anong parte ng puso ko na biglang kumirot. Parang paalala ng lahat ng mga bagay na hindi ko alam kung kaya ko pang panindigan sa kasalukuyan. “Trish?” tawag ni Brixton, marahang binasag ang katahimikan. Hindi ako agad tumingin. Nilalaro ko lang ang baso ng tubig sa harap ko, iniikot-ikot ang straw.

