Hindi ko alam kung dahil ba sa pagod, kaba, o dahil ramdam ko pa rin ang init ng halik ni Brixton na parang nakaukit pa sa labi ko. Nasa front seat si Bradley. Si Bryzon naman ang nagda-drive, pero pareho silang nakangisi nang makahulugan. Panay ang ngiti at lihim na tinginan ng magkapatid na halatang pareho ang iniisip. “I’m still amazed,” hindi na nakatiis na saad ni Bradley habang sinisilip ako sa rearview mirror. “Hindi ko akalaing ganito ka kaimportante kay Kuya.” Napakurap ako nang tumingin sa kanila. “Ha? Ano iyon?” “Oh, come on, Trish,” natatawang sabi ni Bryzon. “Huwag ka nang magpaka-inosente, riyan. Kita namin lahat. Para kayong nasa pelikula kanina. And mind you, my borther is the coldest man in the world. But to you, we saw something else completely.” Napalunok ako saka n

