“Kinakabahan ka ba?” tanong ni Jane. “Oo. Sobra,” pag-amin ko. “Hindi ko kasi alam kung ano pa ang kakaharapin ko kapag umusad na ang kaso.” “Normal ‘yan. “Ngumiti siya nang saglit akong lingunin. “Pero hindi kita hahayaang mag-freak out. Don’t worry, malakas naman ang laban mo, eh.” Kumapit ako sa seatbelt. “Jane… tama naman itong gagawin ko, ‘di ba?” “Tama.” Hindi siya nagdalawang-isip na sabihin iyon. “Tama dahil matagal ka nang hindi masaya. Tama dahil mali siya. Tama dahil nagbago ka na at deserve mong magsimula ulit. Tama, kasi ibinigay mo na ang lahat pero binalewala ka lang niya.” “Pero humihingi siya ng isa pang chance. Gusto niyang ayusin ang kasal namin at nakipaghiwalay pa siya kay Lilian. Paano kung– ” “As long as you are firm and determined with this, nobody can stop yo

