Sabay-sabay kaming mga magkakaibigan na naglakad papunta sa pinto like some girl group with matching eyebags. Pagbukas ko… nagulat agad ako. May dalawang lalaki na nakatayo sa tapat ng pintuan. Parehong sobrang guwapo at ang lalaki ng mga katawan na akala mo ay mga gym instructor. Parehong naka-black fitted polo na naka-tuck in sa body-hugging slacks, may earpiece. They literally look and built like they were carved straight out of Marvel casting. Iyong isa ay mas malapad ang balikat. Tapos itong isa, mas sharp ang features. Parehong walang emosyon ang mga mukha. At parehong nakatitig… sa akin. Kumabog tuloy ang dibdib ko. “Holy s**t! That’s the car!” bulalas ng isang lalaki at itinuro ang kotse na regalo ni Brixton. “Yeah!” sang-ayon naman ng isa. “Parang mas mahal pa iyan sa kotse

