The Devil I Fell In Love With

1223 Words
Nakaupo lang ako sa rocking chair ko nang dumating ang apo ko na si Neil. “Lola, can you tell me a story?” Request niya, pinaupo ko siya sa sofa katabi ng rocking chair ko at ngumiti nang matamis sa kaniya. “Of course, apo. I will tell you a story, love story ni Lola,” saad ko, nakikinig lang siya sa akin. “50 years ago, when I was just a teenage girl, I met a Man named Asmodeus.” kuwento ko. Flashback, 50 years ago; November 1, 1971. Kagagaling ko lang sa grocery store nang biglang may humarang sa aking grupo ng mga lalaki. “Miss, ibigay mo na sa amin lahat nang gamit na hawak mo ngayon.” Wika ng isang naka-itim. “Oo nga, para hindi ka na masaktan,” pagsang-ayon ng isang lalaki. Napapaligiran nila ako, ibibigay ko na sana ang bag pati groceries ko nang biglang may dumating na kotse, bumaba mula rito ang isang lalaking matangkad, long hair, at naka-oversized na blazer. Nagtaka ako dahil isang tingin niya lang sa mga magnanakaw, ay nagsitakbuhan silang lahat. “Demonyo!!!” Sigaw nila, hindi ko naaninag ang mukha ng lalaki, magpapasalamat na sana ako nang bumalik siya agad sa kotse niya. “Salamat po!” Pahabol ko na lang at saka masayang umuwi sa bahay. “Calista, ang saya mo naman yata?” Bungad ni Papa, nagmano ako sa kaniya at inilapag sa lamesa ang groceries. “Pa, kasi kanina may mga magnanakaw na pumaligid sa akin kanina,” kuwento ko, nakita kong sumama ang tingin ni Papa, alam kong nag-aalala siya. “Aba! Dapat ipapulis ang mga iyon, nasaktan ka ba? Anong ginawa nila sa 'yo?” Sunod-sunod na tanong niya, “Opo, I am okay, Pa. May tumulong kasi sa akin kaninang lalaki, magpapasalamat na sana ako nang bigla siyang umalis, nagpasalamat pa rin ako sa kaniya pero sigurado akong hindi niya iyon narinig.” Kuwento ko, bumalik naman sa dati ang tingin ni Papa. “Mabuti naman kung ganoon. Magbihis ka na at kakain na tayo, nagluluto si Mama mo ng paborito mong adobo.” Saad ni Papa. “Halina kayong dalawa, kakain na tayo.” Sabi ni Mama kaya pumunta na kaming dalawa ni Papa sa kusina at naupo, nalanghap ko agad ang masarap na adobong luto ni Mama. “Wow! Ang sarap, Mama. Paborito ko talaga ang luto mong adobo,” papuri ko sa kaniya, tumawa siya. “Hahaha! Bolera ka talaga, manang-mana ka sa Papa mo,” natatawang saad niya. “Sus! Kilig na kilig ka lang sa akin no'ng araw, eh,” tumatawa ring sagot ni Papa. “Oo nga pala, anak. Naayos na namin 'yung mga dapat ayusin sa school para madali na lang ang paglipat mo, tatawag na lang daw sila at sasabihin kung kailan ka pwedeng pumasok,” pag-iiba ni Mama ng usapan, “Gusto mo ba na ihatid kita, Calista? Baka kasi hindi ka kumportable, ihahatid kita papuntang school, at classroom mo.” Sabi ni Papa pero ngumiti ako at hinarap lang siya. “Pa, wala ka bang tiwala sa anak mo? Hindi na po ako bata,” sagot ko, nakita ko naman ang pag-aalala sa mukha niya. “Baka kasi maulit ang dati, na binubully ka nila, pinagtatawanan, pinapahiya, tiyaka itinatapon ang pagkain mo,” dagdag niya pa. “No, Pa. Ayos lang po talaga, tiyaka kung gawin man nila sa akin iyon, hindi ako magdadalawang-isip na ipa-principal sila.” Sabi ko na ikinahinga niya nang malalim. “Hays, sige na nga. Ruben, pabayaan mo na lang itong si Calista,” pagsang-ayon sa akin ni Mama at saka sumubo ng isang kutsarang kanin. “Sige na nga. Promise iyan, ha?” Tanong pa ni Papa at tumango ako. Kinaumagahan, nakatanggap ng tawag si Mama mula sa school na nilipatan ko, pwede na raw akong magsimula bukas nang umaga. “Ma, alis po muna ako.” Paalam ko, “Saan ka naman pupunta?” Striktong tanong niya habang nakalagay sa magkabilang bewang niya ang mga kamay. “Bibili po ako ng mga gamit sa school, don't worry, Ma. Ipon ko po ang gagamitin ko,” sagot ko nang bigla namang sumulpot si Papa sa likuran ko. “Mag-iingat ka, ha? Siguraduhin mong magsumbong ka agad o humingi ng tulong kapag naulit ulit ang nangyari kagabi.” Pagpapa-alala ni Papa, tumango ako at kumaway na saka umalis ng bahay. Pagsakay ko ng jeep, medyo traffic pa kaya huminto muna ito at hinintay na umandar ang nasa unahan na jeep din. Habang hinihintay ang pag-andar nito, sumilip muna ako sa bintana, katabi lang ng jeep na sinasakyan ko 'yung kotse ng lalaking tumulong sa akin kagabi doon sa nga magnanakaw, nakita ko na rin sa wakas ang nagmamaneho nito. Nakashades siya at diretsong nakatingin sa kalsada, nang mapansin niya atang nakatingin ako sa kaniya kaya lumingon siya sa direksyon ko, nagulat ako at hindi nakagalaw nang ilang minuto, at saka ibinalik ang tingin ko sa loob ng jeep. “Hindi niya ako nakita.” Pagpapakalma ko sa sarili ko, at umandar na ang jeep. “Para po!” Saad ko nang makitang tumigil na ito sa tindahan ng mga gamit sa paaralan. Pagpasok ko sa loob, ay nandoon kaagad ang mga pagpipilian, paglingon ko sa labas ay nakita kong dumaan 'yung kotse ng lalaki, hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako pero nakita ko siyang ngumiti sa akin. Kumuha na lang ako ng basket at inilagay ang mga ilang piraso ng notebooks at ballpen at iba pa. “Ate, ito lang po.” Sabi ko sa tindera at inabot sa kaniya ang basket. “₱987.05 lahat, Miss.” sabi niya, tumingin ako sa pitaka ko at kinabahan nang makitang ₱500.00 lang ang dala ko. “Uh... pwede niyo na pong ba—” “I'll pay for it,” Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil may nagsalita sa likuran ko, nanlaki ang mga mata ko nang makitang ang lalaking kaharap ko ngayon, ay iyong lalaking nakita ko kanina. “Here, keep the change.” Sabi nito at nag-abot ng ₱1000.00 sa tindera, ibinalot naman ng tindera ang mga binili ko, kinuha ito ng lalaki at ibinigay sa akin. “Your mouth, Miss. Baka pasukan ng langaw iyan, ito na pala mga binili mo, have a nice day.” Saad nito, napahiya ako nang mapagtantong nanlalaki ang mga mata ko habang nakabuka pa ang bibig ko dahil sa pagkagulat. “T-thanks.” Huli na naman ang pagpapasalamat ko, hay. “Salamat po.” Sabi ko sa tindera at lumabas ng tindahan. Bakit kaya kahit saan ako magpunta, lagi kong nakikita ang lalaking iyon, napakamisteryoso niya. Tiyaka kanina, paanong bigla na lang siya sumulpot sa likuran ko at binayaran ang mga binili ko sa tindahan? “Grabe ka, Calista. Nakakahiya iyong itsura mo kanina,” saad ko sa sarili ko at inayos ang malaki kong salamin, inayos ko rin ang buhok kong makapal at mahaba just in case na makita ko ulit siya. Pero hindi siya dumating, sobra lang siguro ang pag-iimagine ko. “Ano ka ba naman, Cali! Hindi nga kayo close, tapos ini-expect mong darating siya?” Kausap ko sa sarili ko, napagdesisyonan kong umuwi na lang at maghanda na para sa unang araw ko sa school bukas, sana maging maayos ang lahat.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD