CHAPTER 1

795 Words
If this is all a dream please God, wake me up. Hindi ko na alam kung hanggang kailan ko kakayanin ang lahat ng ito. This is all too much. Freaking much. Everything is a mess now. My husband. My life and to my dream family. We just got married a couple of months. Planning to have a two or three kids in seven years or so. We were just starting to build our dream family. Nagsisimula pa lang kaming mangarap pero parang hindi na ata matutupad. Denver have been so aloof to me since he's been discharge from the hospital. He's treating me like I am nothing to him. Nasa iisang bahay lang kami pero para akong stanghero sa kanya. He can't even try to speak with me. Kahit simpleng salamat sa pagsisilbi ko sa kanya sa bahay ay hindi niya magawa. He's very Denver. Hindi talaga siya palabati sa taong hindi niya kilala. Medyo may attitude talaga siya sa mga tao sa paligid. Well we can't blame him, he was born entitled. Mayaman, gwapo at matalino. Kung hindi ko pa away-awayin dahil sa kagaspangan ng ugali hindi ako mapapansin. Well, ayoko rin naman sa kanya before dahil sa ugali niya pero once na makilala mo siya eventually magugustuhan mo siya. He' very upright. Always following the rules. What is wrong is wrong. Meticulous, neat and very organized. When it comes to work very professional. Almost perfect kung hindi lang kasali sa kwalipikasyon ang ugali. He may not gentleman to all, but he is very much to me. He's very caring. He always put me first before anything else. Ang nagmamatter sa kanya ay yung kung ano ang opinyon at nararamdaman ko. Kung ano ang desisyon at pasya ko ay doon siya. He does everything to make me smile. Everyday he makes me feel love and special at hindi siya pumapalya na iparamdama sa akin iyon. Not until he don't remember even a thing from me. We were all shocked nang makita namin na seryoso si Denver na hindi niya ako kilala kaya naman madali naming tinawag ang doctor. The doctor says that its very rare to happen especially in the cause of accident but it happens. "The memory loss can be temporary or permanent. Nevertheless Mrs. Claveria nakakalimot man ang isip pero hindi ang puso." Ani ng doctor. I was holding to those words of the doctor, may the brain can't remember anything but never the heart. Naniniwala ako na maalala ako ng puso niya. Kahit gaano kasakit. Kahit gaano kahirap. Kahit gaano katagal. Maghihintay ako na maalala ng puso niya. Na ako ang babaeng pinangakuan niya ng walang hanggang pagmamahal sa harap ng mga malalapit na tao sa buhay namin at sa harap ng Diyos. "Ate gising na 4 am na ng umaga." Napabalikwas ako ng higa sa sofa ng marinig ang sinabi ni Leon. "4 am na? Nakatulog pala ako. Ang kuya Denver mo? Nakauwi na ba?" Iling ang tanging naisagot niya sa akin. Kita ko sa kanyang mga mata ang kirot at awa para sa akin. "Halika ka na ate hatid na kita sa kwarto niyo. Sigurado ako na nangalay ang likod sa sofa." Aniya sa akin at inalalayan ako paakyat sa second floor ng bahay kung nasaan ang kwarto naming mag-asawa. Sa hagdan pa lamang ay muli na namang tumulo na ang aking luha. Walang tapusan na pagluha. Ayun lang ang tangi kong nagagawa araw-araw. Gabi-gabi. Sa tuwing pinipili ni Denver na huwag umuwi ng bahay at mag stay na lang sa hotel buong gabi. Simula ng magtrabaho ulit ito ay mas pinipili na lamang nito na magstay ng mas matagal sa trabaho kung minsan sa office siya natutulog at kung minsan ay sa pinakamalapit na hotel. Uuwi na lamang siya dito sa bahay namin pag magpapalit ng damit na pangtrabaho o kaya ay kukuha ng damit. Pero kahit ganon ay araw-araw at gabi-gabi ko parin siyang hinihintay na umuwi sa akin. Pero gabi-gabi rin akong sawi sa kanyang pagdating. Pagdating sa kwarto ay ibinuhos ko lahat ng aking luha, pati ang tinitimping hikbi ay aking pinakawalan hanggang nakatulugan ko na lang lahat ng sakit ng umagang iyon. Umaasang paggising ay muli ng babalik ang lahat sa dati. Ang dating asawa ko na laging sabik na umuwi sa akin pagtapos ng trabaho. Ang dating asawa ko na hindi hinahayaan na masayang ang hapunan na niluto ko para sa kanya. Ang dating asawa ko na hindi matitiis na hindi ako nakakausap. Ang dating asawa ko na hindi hahayaan na matapos ang araw na hindi kami nagkakaayos. Pero paggising ko kabaligtaran ang lahat ng nangayari. Instead ang nangyari ay ang gigimbal sa buong pagkatao ko. "Lets have an annulment." Ani Denver sa seryosong tono at mariin na nakatingin sa aking mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD