Chapter 1

2741 Words
Chapter 1 Megan Pov Naghikab si Megan at inunat ang kanyang mga braso, napakaganda ang kanyang napanaginipan. Nanaginip siya ng nasa ibang bansa siya at marami naggagandahang mga tanawin. Alam niya isang panaginip lang ngunit isang napakagandang panaginip. Napangiti siya sa sa kanyang alaala. Dahan dahan siyang nagmulat ng kanyang mga mata ngunit napatalon siya ng makita niya may isang katawan nakayakap sa kanya. Napahawak ito sa kanyang dibdib. “Oh my God, pasensiya ka na sweetheart.’ Bulong nito at akmang hahawakan siya muli. “Ok lang, huminga ito ng malalim, bakit siya nandito sa kuwarto ko? Bakit ka nandito? Tanong niya, trying not to sound so bad. Mababakas sa kanyang mukha na nasaktan ito, ngunit dali dali niyang tinakpan ng matamis na ngiti. Megan love  his smile. ‘Pumunta ako dito para tingnan kitang natutulog. Nasabi ko na ba sa iyo na para kang anghel paggising sa umaga? Puri ni Tyrone sa kanya Napangiti si Megan, napaka sweet talaga ni Tyrone. He is probably the best boyfriend ever.  Ginawa niya ang lahat para lang siya mapasaya, bumili ito ng minatamis, hinahaplos nito ang kanyang paa hangang siya ay makatulog. Ang pinag tataka niya ay hindi man lang siya hinalikan, kahit isang beses. Hinalikan lang niya ito sa pisngi, yun lang ang naging kontak na nagawa niya except for holding hands. He was indeed taking slow after all she still has a memory lost. Ngunit alam ni Megan na mahal niya ito,mahal niya talaga. Nakadama siya ng pagbaligtad ng kanyang sikmura ng ngumiti siya sa kanya. Nang banayad niyang hawakan ang kanyang kamay. Pakiramdam niya ay mahuhulog muli ang kanyang loob sa kanya, ngunit wala siyang pakialam, not one bit. He’s great.” Hinawakan niya ang pisngi nito.”Salamat, napaka sweet mo sa akin.’ Wika ni Megan. “Of course, I am. Mahal kita, ikaw lang.” tugon ni Tyrone. ‘Alam ko, sinabi mo na iyan sa akin ng isang milyon beses.’ Pahayag nito habang tumatawa.’ ‘Dahil ikaw ang mundo ko, ayaw kung mawala ka muli sa akin.’ Malungkot ito ngumiti sa kanya. Again? Nawala na siya noon sa buhay niya? Nawala siya ‘Again? Bakit ano nangyari? Tanong niya sa kanya Nakatingin siya sa kanya habang ito hinahaplus nito ang kanyang leeg. Bumuntunghininga ito bago siya sinagot.’ Habang kwento, saka na lang natin pagusapan. Halika na, bumaba ka na sa kama para makaligo na. it’s a long day today.’ Marunong talaga siyang umiwas sa usapan. “Saan tayo pupunta? ‘Una dadalhin kita sa Skyscraper  Empire building, pagkatapus kakain tayo ng pizza, pagkatapos mamasyal tayo sa Avenue mall. Para ma meet up natin ang kapatid mo at si Lucas.” “Great, mukhang maganda ang maghapon ko ngayon ah.”Nakangiti niya sabi. “You will.”sagot nito habang dahan dahan siyang bumaba sa kama.’Aaalis tayo within 30 minutes, kaya bilisan mo na.” “Did I ever late? She smirks. ‘Good point.” Ngumiti ito bago lumabas sa kuwarto Pagkatapos ng isang oras, nakatayo na sila sa harap ng Skyscraper Empire Building. Humahanga  siyang tumingala sa skyscraper. Tiningnan niya si Tyrone,nakatingin sa kanya. “Nagustuhan mo? Tanong niya kay Megan. “I love it.” Sabi nito na para siyang batang nakatangap ng lollipop. “Mabuti, dahil papunta tayo sa taas.’ Hinawakan ni Tyrone ang kanyang kamay at pumasok na sila sa entrance ng building. Pagkapasok nila sa loob, inikot niya ang kanyang mga mata sa loob, gaya ng kanyang inaasahan crowded sa loob ng building. Lahat ng tao ay gusto makita ang tanawin at ang taas ng building. Excited na rin siya makita ito. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Tyrone, at masaya silang pumasok sa elevator, at naabutan nila sa loob ang tour guide.  At nagumpisa na ito magsalita. ‘ Mayroon 102 floors sa building. 1050 feet ang taas, at 86th floor para sa observatory. It has weighs of 365,000 tons. Humahanga ang mga sakay, kasama na si Megan. Nakapikit si Tyrone. Ngumiti si Megan habang nakatingin siya sa kanya. Ang kanyang buhok ay natatabingan na ang kanyang noo. Inayos nito ang kanyang buhok. Nagulat si Tyrone, ngunit ng makita siya  lumambot ang kanyang mukha.”Sorry’ paumanhin ni Megan.’ ‘It’s ok, mahal ko.” Hinawakan niya muli ang kamay ni Megan at pumikit muli. Hindi inaalis ni Megan ang kanyang tingin kay Tyrone. Lalo niya ito hinangaan. Napakaguwapo, kung iyan ang pag lalarawan sa lalaking may itsura, ngunit nagtataglay talaga si Tyrone ng kakaibang karisma. Hindi lang sa pisikal na anyo, ngunit sa iba pang bagay. Sa tuwing magigising siya sa umaga lagi niyang ipinapakita ang kanyang pagmamahal, he utters in daily. Mabilis ang t***k ng kanyang puso pag nasa paligid siya, pinapawisan ang kanyang palad, kaya wala siyang magawa kundi ngumiti. Minsan naiisip niya, kakaiba siya, gaya kaninang umaga. Alam niyang mahal siya, ngunit wala siyang alam na magmahal sa kanya ng ganun kundi siya lang. Ang tanong ay, ganun din ba siya? Ganun pa rin ba ang kanyang nadarama? Siguro, tugon ng kanyang puso.? At bumalik sa kanya ang nakaraan kung paano niya nakilala ang lalaki.   ******** Naramdaman niya may mga mata nakasunod sa habang naglalakad siya sa kalye. Nahihiwagaan siya, sa tuwing luminga-linga siya sa paligid nakikita niya ang lalaking nakasuot ng sunglasses. Nakasuot ito ng maong at plain t-shirt. Sa tuwing lingunin niya ito may hawak na pahayagan sa kanyang kamay. Alam niyang sinusundan siya nito kaya lalo siyang naiiirta. Naiinis pag may taong nakatingin sa kanya. At ayaw niya ng attention. Bakit may taong sumusunod sa kanya? Isa lamang siyang assistant, pipitsugin lamang siya. Humakbang siya muli para tingnan sa kanyang balikat kung nakasunod siya sa kanyang likod, nasa likod nga niya.’ Goddammit! Mura nito, bakit hindi siya lubayan? Hindi niya alam kung mag aalala siya o maiirita dahil mayroon istranghero sumusunod sa kanya. Diyan nag uumpisa ang mga p*****n napapanood niya sa tv, ngunit hindi ito tv, totoong buhay ito. Malaki ang France, hindi rin niya alam kung talagang sinusundan siya. Siguro pareho lang sila ng patutunguhan. Ngunit bakit siya nakasuot ng salamin at may hawak na pahayagan. Naisip niya, sa tuwing dadaan siya wala ito kakibo kibo nagbabasa ng pahayagan, humihinto ito kapag humihinto siya. Sinusundan talaga siya. Umikot siya at diretso sinita ang lalaki, huminto ito sa tapat ng lalaki. Hinila ang pahayagan hawak nito, nagulat ang lalaki sa inasal ni Megan, ngunit alam niya siya ang pakay niya. “Bakit moa ko sinusundan? Tanong ni Megan.  Sasagot sana ang lalaki ngunit, ngunit huminto ito ng muling magsalita si Megan.’ Don’t give me a crap, alam kung sinusundan mo ako. Ano ang kailangan mo sa akin? Matigas nito tanong habang matiim ito nakatingin sa lalaki. Kahit nakasoot ito ng sunglasses, sinubukan pa rin tingnan ni Megan ang reaksyon nito. Pataas baba nito tiningnan ang lalaki, may taas itong 6’2. Makinis ang mukha, maganda ang hugis ng mukha. Kulay rosas ang mga labi. Ang itim na buhok ay lumugay sa kanyang noo. Nahihiwagaan siya sa itsura ng lalaki. ‘Palagi sinasabi ng mga tao na makikita ang ugali ng tao sa itsura pa lamang, ngunit para sa akin mapanlinlang ang itsura ng tao, stalker.’ Wika ng lalaki sa kanya. Gusto na sanang duruhin ni Megan ang lalaki. Dahil wala itong Karapatan na insultuhin siya. Wala itong alam sa kanyang buhay. Patuloy nitong tiningnan ang lalaki sa kanyang harapan. ‘Sino ba ito?’ Bakit ito nakasunod sa kanya.? Ang tanong na ito ang lagi nagsusulputan sa kanyang isipan.  Hindi naman sa gusto niya malaman. Ayaw niya maging kumplikado ang kanyang buhay. Tumaas ang kanyang kilay sa lalaki and she said.” Look, hindi kita kilala, at wala akong intension na kilalanin kita. Kaya por favor, stop stalking me bago pa ako tumawag ng pulis.’ Hindi pa siya sigurado kung tatawag nga ba siya ng pulis, ngunit sapat na ang kanyang winika para balaan niya ito. Tumawa ang lalaki sa winika niya. Sa tingin niya ay walang epekto ito sa lalaki. ‘Calling the police won’t help you in this decision. The police will be on my side after you’re the one who is at fault here.’ “Tinaasan niya ng kilay ang lalaki.”Me? ako ang may kasalanan. Wala siyang maisip na ginawa niyang labag sa batas.’Look, nagkakamali ka siguro, dahil hindi ako ang taong iyon. Wala pa ako ginawang illegal. ‘She lied dahil noon teenager pa siya, marami siyang ginawang illegal, isa na ang fake na ID, ngunit hindi naman iyon mabigat na kasalanan. Lahat ay gumagamit ng fake na ID, lalo na teenager.’ “Oh, mas mabigat pa sa illegal ang ginawa mo.’ Pahayag ng lalaki. ‘Ano! mas mabigat pa sa illegal ang nagawa ko? nagtataka nito sabi, wala siyang matandaan na gumawa siya ng masama, noon lang bata pa siya, ngunit its just a normal teenager fun. “Oh, huwag ka ng mag maang-maangan pa, alam mo kung ano ang ginawa mo! Nanunuya sagot ng lalaki. Nauubusan na ng pasensiya si Megan habang nakatingin sa lalaki. Naiirita na ito sa bawat Segundo. Umiling iling na lamang si Megan at pumiksi ito iniwan ang lalaki at nagmarcha na ito patungo sa himpilan ng train station, na siyang una niyang pakay ang sumakay ng train papasok sa trabaho. Hindi niya hahayaan masayang ang kanyang oras, kung hindi pa niya sasabihin sa kanya ang kanyang pakay, kaysa paikot ikot pa. ‘Morgan Montemayor.’ Sigaw nito sa kanya. Nakuha niya agad ang kanyang atensyon, sa salitang pagtawag sa kanya. Umikot ito para harapin ang lalaki. Para ituwid ang pagkakamali ng lalaki sa kanya. “Sa makatuwid, ang pangalan ko ay Megan Montemayor, bakit dimo hanapin sa iba ang iyong mistress.” Sigaw nito sa kanya, pagkasabi nun pumasok na siya sa loob ng train. Yun ang dahilan kaya siya sinusundan, nagagalit siya pag napagkakamalan siyang siya ang kanyang kakambal na si Morgan. How could they?Magkaiba sila ng personalidad, Kulot ang kanyang buhok, unat ang buhok ni Morgan. Mahal niya ang mga animals, kinaiinisan naman ni Morgan. Mas gusto ni Megan ang kasing edad niya, mas gusto ni Morgan ang mga may adad na, may edad na parang tatay na kung ituirng. Mas sikat si Morgan, samantala siya ay tahimik lamang. Isa siyang model, siya ay secretarya lamang. Mayaman siya, samantala mahirap lamang si Megan.  Tama, magkaiba sila dalawa.Hindi sila identical twins, wala nga nakakaalam na mag kapatid sila., walang nakakaalam, at wala ding makakaalam. Sil ani Morgan ay magkaiba ng daigdaig na ginagalawan, Hindi na sila malapit sa isa’t-isa, Hindi rin sila nag uusap, or hindi niya ito kinakausap. She hurt her so much, kung ano ang ginawa niya ay manatili sa kanyang alaala.’ Nakapagtataka, napagkamalan siyang siy si Morgan. Hindi nga niya nakita ang kanyang kakambal sa loob ng tatlong taon., she must be somewhere showing her body off. Wala siyang pakialam. Kinuha nito ang kanyang ticket at bumaba na siya sa train. Nasira ang kanyang buhay dahil sa kanyang kakambal, natigil ang kanyang pagmuni-muni ng batiin siya ng kilalang boses.’Good morning Megan.’ Bati sa kanya ng coffee man. He was wearing his usual white apron and cap. Maayos siyang tingnan kahit isa lamang siya coffeemaker. “Magandang umaga, gaya pa rin ng dati please.’ Sagot nito habang nakangiti sa kanya. Nalaglag sa kanyang mukha ang kanyang eyeglasses. Ginamit niya ang kanyang daliri para ibalik sa kanyang mga mata. Tumawa sa kanya ang coffeemaker guy sa kanyang pagiging nerdy style at nagwika.” Latte coming up.” Ibinigay niya sa kanya ang dalawang coffee latte. At inabutan niya ito ng 20$ .”Thanks wika niya bago tumungo ito sa kanilang building. “Good morning Miss Montemayor.’Bati ng front desk sa kanya. ‘Good morning.” Sagot niya dito at tuloy tuloy na ito sa elevator, pagbukas ng elevator sa 23rd floor tuloy tuloy na siya sa kanyang mesa, tiningnan ang kanyang oras eksakto 7 am. Inilagay niya ang kanyang bag at latte, bago tinungo ang opisina ng kanyang boss. Hindi na niya kinatok ito, binuksan niya ang kanyang opisina.” Your late, Ms. Montemayor, I don’t tolerate late comer, now where is my latte.? Nagkibit balikat si Megan at ibinigay ang kanyang coffee. “Malamig na ang latte, sino ang iinum nito? Go and get me another latte! Bulyaw nito at itinapon ang latte sa basurahan. Way to waste money! “Sira ulo matanda, sa tingin mo hindi yan lalamig, elevator pa lang 5 mins na.” bumubulong nito angil, dahil ganun ang ugali ng matanda tuwing umaga. ‘Ano ang sinabi mo, Ms. Montemayor?Tanong ng kanyang boss “Ummmm,nothing sir, kukuha ako ng bago coffee.’ Sagot nito habang palabas ng opsina. Kinuha nito ang pangalawang latte at inilagay sa microwave, kaya dalawa lagi ang kanyang binibili dahil pagdating niya sa opisina malamig na ito. Ganun lagi ang eksena nila tuwing umaga. Bumalik ito sa opisina ng kanyang boss habang daladala ang bago Latte. Pagkatapos bumalik na s akanyang upuan para gawin ang kanyang trabaho. Hindi niya namalayan ang oras ng bigla siya tawagin ng kanilang mailboy.” Gusto ka daw kausapin ni bossing” tawag nito sa kanya. Huminga siya ng malalim bago kinatok ang pintuan ng kanyang boss.’ Pasok.” Sagot ng kanyang amo.” Pagkapasok nito sa opisina ng kanyang amo, nadatnan niya may kausap ito isang lalaki, nakaharap ito sa kanyang amo. Lumingon sa kanya ng pumasok siya sa loob. Hindi niya maiwasan hindi ito sulyapan. Samantalang katitig din sa kanya ang lalaki. Isang salita lang ang paglarawan niya sa lalaki.” Sexy beast” Nakaguwapo ang lalaki, makinis ang mukha, ipinilig niya ang kanyang ulo bago ito humarap sa kanyang amo.” Mababakas sa kanyang mukha ang galit. ‘Ms. Montemayor, Sa tingin ko oras na para mag impake ka na ng mga gamit mo at lisanin ang company.” Your fired! Wika ng kanyang amo “Ano! Nabulunan nito tanong.” Ano ang kasalanan ko, ? naging maayos naman ang trabaho ko, lahat naman ng pinaagawa niyo, you can’t do this me.  Kailangan ko ng trabaho sir.” Nasa harap na siya ng  lamesa ng kanyang amo.” Sinusubukan niya huwag umiyak. Kailangan niya ng trabaho, kung kailangan niya mag maka-awa gagawin niya. “Ms.Montemayor, hindi ko pwede hayaan magtrabaho sa kompanya ko ang isang babaeng iniabandona ang kanyang anak. Naniniwala ako na ang bata ay kailangan niya ng magulang habang lumalaki…” PInutul nito ang suusnod pang sasabihin ng kanyang boss.” What? Tumawa ito at nagpatuloy. Nagkakamali po kayo, hindi pa ako nag kaanak, wala nga ako nobyo, isa pa hindi ko pa naranasan ang sumiping sa lalaki! “ Ms. Montemayor, are you saying that Mr.Mandelli is lying.’ Itinuro nito ang lalaking nakaupo, sinulyapan ni Megan ang lalaki nakaupo. ‘Sinabi mo may anak ako? Inayos nito ang kanyang salamin sa mata para makita ng maayos ang lalaki.” Sandali lang, ikaw ang lalaki sunod ng sunod sa akin kanina!, how dare you tell him I have a child! Sigaw nito sa lalaki habang dinuduro nito ang lalaki sa mukha “ Morgan, i…’ nagkautal utal ang lalaki “My name is Megan! For God sake ! my sister si Morgan!  Paglilinaw nito, paulit ulit na lang ang storya, sa kanya lahat ang bagsak sa mga pagkakamali ng kanyang kakambal. ‘Ms.Montemayor. whether your sister or not, your still fired. Adam will escort you outside the building.” Paliwanag ng kanyang boss. “Sir, please I need….” Umpisa ni Megan ngunit pinutol na ng kanyang amo ang susunod pa niya sasabihin. “Ms.Montemayor its all set. Pag ang lalaki may mataas na katungkulan sa bansa,ay ginawan ka ng masamang pangalan, hindi na ka na pwede magtrabaho pa dito. Hindi ko hahayaan madamay ang kompanya ko. No, no, no hindi pwedeng mangyari iyon. Now, leave bago pa kita ipakaladkad sa mga guwardiya. Siguro naman ayaw mo gumawa ng eksena dito, kaya mas mabuti pa umalis ka na.’ Naiirita paliwanag ng kanyang amo. Nagpasiya na siya aalis tumalikod na ito sinulyapan niya ang lalaki bago nag mamadali umalis. Inayos niya ang kanyang mga gamit, at umalis na sa lugar na iyon. Lahat na lang ng pakakamali ng kanyang kakambal sa kanya bumabagsak, naka ilang lipat na siya ng trabaho dahil sa kanya. Tumutulo ang kanyang luha habang binabagtas niya ang kahabaan ng kalye, pinagtitinginan na siya ng mga tao. Hindi na niya alam ang gagawin, ang mahal ng kanyang renta, pagkain ng kanyang mga alaga aso at pusa, pagkain niya. Papasok na sana siya sa train ng marinig niya may tumawag sa kanya. Lumingon siya ng makita niya ang kanyang stalker na naman. Nawalan siya ng trabaho dahil sa kanya. Hindi nito ito pinansin, patuloy siya sa paglakad papasok sa train station.  Nang ihakbang niya nag kanyang ,mga paa, biglang may humawak sa kanyang kamay. Ang sexy beast na siyang dahilan kaya nawalan siya ng trabaho. ‘Ano ba ang kailangan mo sa akin! Hindi ka pa ba tapos? Sigaw nito sa kanya. ‘I can help you.” Mahinahon ang kanyang boses, na para bang wala siya pakialam na nawalan siya ng trabaho dahil sa kanya.   ‘Halika sa coffee shop, mag usap tayo, para sabihin ko din sa iyo kung bakit ako nandito.” Paliwanag ni Tyrone sa kanya. “Ok, ngunit huwag kang magkakamali, mayroon ako teaser dito, hindi ako mangingiming gamitin sa iyo, halika na.” sagot nito sa kanya, pumayag ito sa alok niya para malaman din niya kung bakit napapagkalaman siyang siya ang kanyang kapatid. Her b***h twin sister!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD