Trapped with the Billionaire
Chapter 14
George Pov
“Mataas ang lagnat ni Aaron? Wala na ang lagnat niya? Paano siya nagkalagnat? Ang daming tumitingin sa kanya.” Naawa siya sa bata.
“Huminto ang kanyang lagnat kagabi, at hindi na rin bumalik pa kanina umaga. Inutusan ko si Megan dalhin sa doktor ngayon umaga para sa kanyang checkup”
Nang humupa ang lagnat ng bata, nakahinga ng maluwag si George. Naisip niya kaya nagkasakit si Aaron, dahil pinalayas ni Tyrone kaya pinaalalahanan niya si Tyrone.”Para sa kapakanan ng bata, dapat kontrolin natin ang ating emosyon at huwag ibuhos kay Megan ang galit natin sa kanyang kakambal. Kahit kaya niya galitin ang isang tao hanggang mamatay. Mahal na mahal niya ang bata, hindi natin pwede ikaila iyan.
Tyrone pursed his lips, but still acknowledged it. Kahit si George naramdaman niya ang pagmamahal ni Megan sa bata. Nag uusap sila habang papasok sa loob ng building.
The two CEO’s were both in suits, but they were also in high spirits as they walked side by side into the thirty sixth floor of the office building.
Dumaan sila sa front desk,hindi nila pinansin ang humahanga mga tingin ng mga kababaihan. Dumiretso sila sa elevator para sa mga CEO at dumiretso sila sa office ng presidente na siyang matatagpuan sa top floor.
“Sir, may naghihintay po sa inyo, ang sabi niya ay auntie niyo daw siya, at nagpumilit na hintayin kayo.’ Bungad ng kanyang secretarya habang palabas sila sa elevator at ninenerbiyos na binati sila.
Hindi huminto si George, hindi rin pinansin ang middle aged na babae naghihintay sa kanya,napakagandang tingnan sa damit na soot, dumiretso silang pumasok sa loob ng opisina. Naiinis din si Tyrone sa kamag-anak ni George. Hindi rin sinulyapan ang babae at sumunod lamang ito kay George sa loob ng office.
”George, ako ang Auntie Margarita mo, naalala mo na ako? Palagi tayo nagkikita. Nakangiti turan nito at nakasunod kay George, hindi nakalimutan ipakilala ang kanyang sarili. Ngunit ang katutuhanan, ilang taon na niya hindi nakikita ang binata.
“Hello, Mr.Mandelli “bati nito kay Tyrone, na may halong tagong ngiti. Ngunit malamig na tumango lamang si Tyrone sa kanyang bati.
Hindi siya pinansin ni George, malamig at matigas ang kanyang expression.
“George, hindi ako pumunta ngayon para humingi ng pera.” Hindi niya pinansin ang malamig na pakikitungo nito at matigas na mukha.” George, mag 33 years old ka na, hindi ka pa nag aasawa, alam mob a, nag aalala kami sa iyo. Tinulungan kita makahanap ng babaeng nababagay sa iyo. At maganda din ang pamilyang pinanggalingan ng babaeng ito. Maganda at may pinag aralan siya, kapag makita mo siguradong magugustuhan mo siya”
Lahat sila ay ang aalala sa kanya? Ngumisi ito sa kanyang puso. Lahat ng kanyang kamag anak ay nakatuun na naman ang kanilang mga mata sa kanya. Ngayon gusto na naman siya ipakilala sa mga babae. ngunit ang katutuhanan gusto lamang nilang magkaroon ng tao sa kanyang tabi para malaman nila ang kanyang bawat galaw.
Napatawa siya dahil hindi pa rin sumusuko ang kanyang mga kamag anak hanggang ngayon, ang nasa isip pa rin nila ay ang makukuha nila sa kumpanya. Hindi ba nila alam ang isa niyang pag katao? Hindi ba nila naiisip na kaya niya silang guluhin?
Pumasok si George sa kanyang opisina, at hindi nahiyang sumunod si Aling Margarita sa kanya. Umupo si George sa kanyang office table. Umupo si Tyrone sa silya sa harap ng lamesa. At masayang umupo naman si Aling Margarita sa harapan upuan ni Tyrone .
“George, what Auntie say is triue. That girl is really very good, she is definitely a match with you. Gusto mo ba siya makita? Kung gusto mo siyang makita, agad akong mag set ng araw para magkita kayo.’ Patuloy ng kanyang auntie.
“I’m busy” walang ganang sagot ni George. Malamig niyang tinangihan ito, at mas lalo hindi niya hayaan magpakilala ng kung sino babae sa kanya ang kanyang mga kamag anak. Kung may balak siyang mag asawa, siya ang pipili at walang kinalaman ng kanyang mga kamag anak ang tungkol dito.”
Siya ang mag desisyon sa pinakaimportante bagay sa kanyang buhay. At walang sino man makialam sa kanyang buhay.
“George, alam kung marami kang trabaho, ngunit kahit gaano ka kaabala sa trabaho, si Megan ay mabait na dalaga, hindi magsisinungaling sa akin ang kanyang ina-inahan. At siya lang ang nag iisang dalaga sa mga Montemayor, may kakambal ito ngunit hindi alam kung nasaan siya ngayon. Alam mo naman ang mga Montemayor ang pangalawang pinakamayaman sa city, kaya nababagay kayo dalawa”
“Megan? Nang marinig ng dalawang CEO ang binangit na pangalan ng kanyang Auntie, nagulat ang mga ito. Naging matalim ang tingin ni Tyrone, at naging madilim ang mukha ni George.
Nang makita ng babae biglang nag iba ang expression sa mukha ni George, biglang naging mabilis ang pintig ng puso ng babae. Habang naiisip ang pangako ng madrasta ni Megan, kapag natulungan niya si George at Megan mag pakasal, bibigyan siya nito ng malaking pera bilang gantimpala. Dahil sa pera matapang niya pinakilala si Megan kay George.
Nakiramdam si Aling Margarita, naamoy niyang para may posibilidad. Nagtiningan ang dalawang CEO at malamig nito tinanong.’ Siguardo ka bang ang ipakilala mo sa akin ay si Megan? Ang biological daughter ng pamilya Montemayor?
Agad mabilis tumango ang babae.” siya nga, siya talaga. Wala naman ibang anak na babae ang matandang Don kundi si Megan at si Morgan.”
Malamig na tumawa si George, at malamig na kumislap ang kanyang mga mata.’ Paano nangyari iyon, ang pagkakaalam ko ay hindi maganda ang relasyon ng mag ama? Matagal ng umalis ang kanyang anak sa poder niya 17 years ago. Paano sinabi sa iyo ni Mrs.Montemayor na ipakilala ako kay Megan?
Ano ang ibiga sabihin sa likod ng malamig at kakaibang tono ni George, kahit si Tyrone ay hindi niya mahulaan. Kahit ang mga mat ani Tyrone ay malalim at walang sino man makaarok kung ano ang iniisip nito sa oras na iyon.
Tinapik tapik ni Aling Margarita ang kanyang dibdib.” George, kapag pumayag kang makipagkita kay Ms.Megan, aayusin ng kanyang ina inahan ang pagkikita ninyo. Kahit ano ang mangyari siya pa rin ang tumatayo in anito.”
Ngumisi si George” itong si Mrs.Montemayor, ay hindi gaya ng isa noon.” Ang ibig kung sabihin ay hindi siya ang tunay na in ani Megan, stepmother lamang niya ito, isang madrastang hindi matatangap ni Megan kahit kailan”
Si Megan ay walang mataas na katungkulan sa mataas na angkan sa sosiyedad. Dahil iniwan ng kanyang ama ang kanyang ina at inuwi nito ang kanyang stepmother, at pinabayaan na sila ng kanyang ama, dahil sa sama ng loob nagpakamatay ang kanyang ina. Dahil sa trahediyang ito umalis si Megan sa poder ng kanyang ama, at ang kanyang kakambal ay nag porsigido sa kanyang trabaho bilang fashion model. At wala ng nakakaala kung nasaanm ito mula ng iwan ang bata sa ospisina ni Tyrone.
Kung hindi kinuha ni Tyrone si Megan bilang nanny ng bata, at pinaimbestigahan ito wala siyang malalaman tungkol sa pagkatao nito at hindi niya malalaman mayroon ugnayan ito sa mga Montemayor.
Dahil isang mayroon matatag na personalidad si Megan, impossibleng sa kanyang madrasta ang siyang magdesisyon tungkol sa pag aasawa nito. Sa nakaraan, ng umalis ito sa mansion ng mga Montemayor, nagpakalayo ito malayong malayo sa mga mataas na lipunan at namuhay mag isa. Nagpalipat lipat ng trabaho.
Kakaiba ang tawa ng matanda at sabi.’ Ang madrasta ay isa din ina. She treated Megan as her own, nakita ko na siya noon, at talagang napakaganda niya talaga. Matangkad at napakaganda ang kanyang kutis. She was really a beauty. Kung ineteresado ka, pwede ko ngayon katawagan si Mrs.Montemayor para sabihin ko papayag kang makipag kita”
Ito ang unang pagkakataon sumagot si George sa mga salita ng kanyang Auntie. Nasa isip ng matanda ay interesado si George kay Megan kaya habang mainit init pa ginamit niya ang pagkakataon ito para ayusin ang araw at oras para magkita si Megan at George.
Lumakad si Tyrone at inilagay ang dalawang kamay sa lamesa, at yumoko ito kay George habang nakaupo ang lalaki at ngumiti ito ngunit hindi sadyang ngiti.” George, pakiramdam ko ay maganda ang arrangement ng Auntie mo, Megan is indeed worthy of you. Kahit kakambal pa niya si Morgan, basta mabaiyt siya sa iyo pwede kayong magkita.”
Tumango ang matanda at sabi.’; Tama, tama, Tama ka Mr.Mandelli. kung gusto mo din mag asawa, marami akong kilalang mayayaman babae, matutulungan kita.”
Naging malamig ang mukha ni Tyrone at malamig ito sumagot.’ Thanks, but no Thank’s!
Hindi na kumibo ba ang matanda at bumaling kay George.’ Ano sa tingin mo?
Sumandal si George sa kanyang upuan at ngumisi.’ Kung maayos mo, then ayusin moi. Gusto ko makita kung gaano talaga kaganda itong Megan na ito!
Ngunit ang talagang balak nito ay gusto niya malaman kung talagang pupunta si Megan makipagkita sa kanya! Bigla tuloy niya naalala noon ihatid niya si Megan sa ,Mansion ng biglang tumawag si Gregory kay Megan ibig sabihin ay may ugnayan sa kanya ang tawag na iyon, sinabi kaya ni Gregory may balak ipakilala ang kanyang madrasta sa kanya?
Tuwang tuwa si Aling Margarita ng pumayag si George.” Sige ,sige aayusin ko talaga ito. George kailan mo gusto makilala si Miss Megan?
“One month later!’
Nadismaya ito. Umaasa ito makikipagkita na ito.Gayunpaman , masaya na rin siya dahil pumayag ito makipag date kay Megan, at siya mismo ang nagpakilala sa kanya. Basta papayag ito pakasalan si Megan, makukuha niya ang pera.
Naiisip niya ang galit ni Mrs.Montemayor kay Megan, siguradong dodoblehin nito ang perang ibibigay sa kanya. Dahil tinulungan niya ang Donya itulak si Megan sa apoy ng kanyang kamatayan.
Don’t look at how she was laughing just now, she had already seen George reaction. If Megan dared to take even single step into the Morelands, she could not walk out alive.
“George, then it’s a deal, one month later. I will arrange for you to meet Ms.Montemayor, you must definitely come” Aling Margarita goal was achieved, so she stood up and smiled as she exhorted George.
Malamig na suminghal si George.’ Tutuparin ko anuman ang sinabi ko!
“Tumawa si Aling Margarita.’ Naniniwala ako sa iyo, hindi na kita gagambalain pa sa trabaho mo. mauuna na ako aalis .” pagkasabi nito nakangiti ito tumalikod at kumaway kay Tyrone bilang pamamaalam at malalaki ang hakbang nito umalis.
Pagkaalis ng matanda, nagpatuloy si Tyrone sumandal sa lamesa, yumuko ito at tiningnan diretso sa mata si George at tinanong.’ George,may plano ka talagang makipag blind date kay Megan?
“Malamig na tumawa si George.’ Hindi mo ba naiisip? Nakakatawa diba?
Ang dahilan ng stepmother ni Megan kung bakit itinutulak niya ang babae sa kanya para gamitin siya, para patayin ang babae. Gusto nito makita kung paano haharapin ni Megan ito.
Masasabing mahal talaga ng ama ni Megan ang kanyang stepmother, ito ang first love ni Don Jerome Montemayor. Kahit mayroon na ito anak na kambal sa ina ni Megan, patuloy pa rin ito nakikipagkita sa kanyang first love.
Dahil dito, nagpatuloy ang kanilang relasyon, at pinamihasa niya ang babae, kahit ang katutuhanan mayroon na ito anak na kambal.
Si Megan at ang kakambal nito si Morgan, ay anak ng Don sa babaeng hindi niya mahal, paano mamahalin ng matandang Montemayor ang kambal?
Kaya si Mrs.Montemayor, siguradong inudyukan nito ang Matandang Don para pauwiin si Megan at pwersahin makipag blind date kay George.
“George, naglalaro sa apoy! Paalala ni Tyrone kay George, para hindi tatalon sa apoy ng kamatayan.
Suminghal si Greorge.” I George will never set my body on fire!
‘Tumawa si Tyrone.’ Paano kung nahulog ang loob mo kay Megan?
Matalim na tumingin si George kay Tyrone, at malamig ito tumawa, “ sa tingin mo possible iyon? Kahit lahat ng babae ay mamatay ngayon, ako si George ay hinding hindi magmamahal sa isang gay ani Megan Montemayor!
Gusto gusto pabulaanan ni Tyrone ang lalaki, ngunit ng maalala ang ginawa ng kakambal ni Megan pag iwan ng bata sa kanyang opisina, nilunok nito ang kanyang salita.’
Kahit gaano pa kabait ni Megan, kapatid pa rin nito si Morgan, na siyang dahilan ng magiging kaguluhan ng kanyang mga magulang kapag nalaman ang tungkol sa bata.
“Siguradong hindi papayag si Megan makipag blindate sa akin. Kapag makinig ang matandang Montemayor sa kanyang asawa, pwersahin niya si Megan makipag kita sa akin at isang bagong hidwaan na naman mamagitan sa kanilang mag ama, at patuloy ang kanilang hidwaan at walang katahimik sa kanilang pamilya.” George forced out those words hatefully.
Bigla natahimik si Tyrone, nang malaman ni Tyrone ipapakilala si Megan kay George, nakadama siya ng kakaiba, hindi niya alam kung bakit nakadama siya ng kakaiba. Dahil siguro inimbitahan niya ang babae para maging nanny ng bata.
“Tyrone, para sa party mamayang gabi, dadalo ka ba? Biglang tanong ni George, at pang iiba niya ng usapan.
Tumawa si Tyrone, “ kung hindi ako dadalo, sa tingin mo, ang lesbian na si Kristina ay papatayin ako?
The corner of his mouth seemd to be bent and it was uncertain if he had ever smiled before. However,it could be seen that he had a good impression of Kristina.’ Alam niyang ti natawag mo siyang tomboy, and you are unlucky one. Isama mo si Aaron, pribado party naman ito, at ang mga dadalo ay kilala ang bawat isa.”
Napakunot noo si Tyrone, ayaw niya isama ang kanyang anak sa party. At kanyang punto, kapag nandoon si Aaron,kailangan kasama din si Megan, kaya mapipilitin siyang isama si Megan.
Walang nagawa si Tyrone kundi sumangayon na lamang. Samantalahin na lamang niya pagkakataon na ito para mabigyan ang oras si Aaron.
Hindi alam ni Megan gagamitin ni George ang blind date para lalong lalaki ang hidwaan nila ng kanyang ama. Pag alis ni Tyrone pinakain niya si Aaron hanngang ,mabusog ito, pagkatapos kumain agad na niya dinala ang bata sa ospital kasama si Mrs.Smith.
Pagdating nila sa ospital, kinarga niya si Aaron papasok sa ospital at agad sila pumasok sa elevator patungo sa 2nd floor. Mabilis ang elevator nagdala sa kanila sa 2nd floor. Agad niya kinarga ang bata patungo sa kanyang doktor.
“Megan? Saad ng doktor ng malampasan nito ang babaeng may karga bata.
Huminto si Megan sa kanyang kinatatayuan at humarap ito para tingnan ang tumawag sa kanya. Isang doktor, at kasingulang niya, hindi naman kagwapuhan. Napansin niya parang pamiyar ang mukha nito. Ngunit agad niya ito naalala at ngumiti ito at tinanong.” Ikaw si?
Hindi naman nagmamadali ang doktor, lalo na’t nakita niya ang taong kakilala niya. Ngumiti ang doktor sa magandang mukha ni Megan at sabi.’ It’s been more than ten years ng huli tayoing magkita, lalo kang gumanda ngayon. ano, hindi mo ako matandaan? Ako si Perry Hill, classmate tayo noon sa junior high school.
“Ikaw si Perry? Nagliwanag ang mukha ni Megan at natuwa ito. Tumawa siya” kung hindi mo sinabi sa akin, hindi kita nakilala. Mula ng hindi tayo nagkita ng sampong taon. Ang laki ng pinagbago mo. nag aaral ka na ngayon ng medicine?
Tumango si Perry.’ NMy family practices medicine for generation. Kahit ayaw ko mag doktor, hindi papayag ang father ko. kaya wala akong nagawa kundi mag aral ng medicina. Pagkagraduation pumasok na ako sa hospital.” At malalim niyang tinitigan si Megan” may asawa ka na ba? Anak mo ang batang ito?
Umiling si Megan at sabi.’ Anak siya ng iba, ako ang kanyang nanny”
Pagkarinig sa tinuran ni Megan wala ito asawa,nagliwanag ang mga mata ng doktor. Ngunit hindi napansin ni Megan, ngunit napansin ni Mrs.Smith. bilang may edad ng babae, alam niya sa isang tingin pa lamang sigurado siyang may gusto ang butihing doktor kay Megan mula pa noon high school pa sila. Sampong taon ang nakaraan at nagkataon nagkita silang muli, kaya ng malaman wala pang asawa si Megan, nakadama ng kasiyahan ang butihing doktor.