Chapter 48 Nanggilid ang luha sa aking mga mata dahil sa narinig ko kay Theo. Ni minsan hindi ko naramdaman na ganito ako ka-secure sa kahit na sinong lalake. Puro takot ang nandito sa dindib ko dahil kay konsehal at kay Dion. Hindi naging madali ang buhay ko kasama sina konsehal at Dion noong na-comatose ang mama. Ang bawat sabihin ni konsehal sa akin ay daoat kong sundin, ang mga salita ni Dion at dapat kong isaisip. Palagi akong nilalamon ng takot sa tuwing uuwi sa oras na di naman napag-usapan dahil iyon ang pinakaayaw ni Dion. Ayoko nang maulit iyong nakaraan. Ayoko nang mapagbuhatan ng kamay ni Dion at pagbantaan niya ako. Kahit pa hindi maniniwala sa kaniya si Theo. Hindi biro ang pinagdaanaan ko kay Dion noon. "And you, Cena! Why did you let this happen? Hindi ba at sinabi ko

