Chapter 11 Valerio Nang makaalis si Dion ay wala ni isang nagsalita at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanila. Nakayuko lamang ako at hinihintay ang susunod nilang gagawin o sasabihin. Sigurado ako na ang mga sagot sa tanong ni Miguel kahapon ay nasagot na ngayon, inilayo ko ang tingin sa kanila at mukhang nakuha naman ni Ashley ang sitwasyon namin. "Ano ba kasing ginagawa niyo dito Kuya? Bigla-bigla naman kayong sumusulpot eh." Iyon din ang gusto kong itanong kung bakit sila nandito. Napakaganda ng timing nila dahil naabutan nila kami sa ganoong sitwasyon. Malayo ang building ng mga college sa building naming mga senior high schools. Nang mag-angat ako ng tingin ay ang mga mata ni Theo ang sumalubong sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang gustong iparating ng mga tingin na 'yo

