Chapter 34 Hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko na ngayon si Theo. Kung kanina ay marami akong gustong malaman sa kaniya ay ngayon naman hindi ko na alam kung ano ang mga itatanong ko. Para akong biglang napipi habang nakatingin sa kaniya ngayon. Napansin ko ang pawis sa gilid ng sintido niya at parang namumutla siya. Ang kulay pula niyang mga labi ay nawawalan na ng kulay ngayon. Napakunot ang aking noo nang mapansin ko rin ang gulo-gulo niyang buhok. Ano ang nangyari sa kaniya? Akala ko matatapos ang araw na ito na hindi ko siya nakikita at nakakausap. “Celestina...” Nang humakbang siya papunta sa akin ay napaatras ako nang maalala ang larawan niya kasama si Dra. Kris. Nais kong itanong sa kaniya ang tungkol doon ngunit walang lumalabas na mga salita sa aking bibig. “I a

