Chapter 43 Ashley Napabuntong hininga na lang ako at pagkatapos ay itinulak si Miguel palayo sa akin. Nanng maalala ko iyong unang beses na nagkita kami hiyang-hiya ako sa sarili ko kasi jusko naman, ang pangit ng unang pagkikita namin tapos na love at first sight ako sa kaniya. Pero dati iyon. “Where are you going, Ashley?” taong sa akin ni Miguel. “Kay Cena, baka mamaya umiiyak na ‘yon doon no.” Sabi ko. Hinila na naman ako ni Miguel sa kamay at pagkatapos ay pinaupo ako sa tabi niya. Napasimangot ako dahil ayaw na niyang bitawan ang kamay ko. Dati lang todo iwas ito sa akin ngayon naman kabaliktaran na ang ipinapakita niya. “Let them talk, Ash, marami silang dapat na pag-usapan ni Theo. Alam kong marami ring gustong itanong si Cena sa kaibigan namin. Hindi okay iyong nakita

