Chapter 52 Naglalakad kami ngayon papasok sa mall, nagkayayaan na rin kanina na kumain muna bago kami dumiretso sa studio. Sinabi ni Deniel na siya na raw ang sasagot ng kakainin naming kaya’t sumige na rin si Ashley, nakakahiya nga na ililibre niya kami pero sabi niya naman ay ayos lang. “Saan ninyo ba gusting kumain? Kahit saan na gusto ninyo ay ayos lang.” sabi ni Deniel. “Ayo slang ba kumain ng marami itong model natin? Baka mamaya lumaki tiyan nito sa pictures!” pabirong sabi ni Ashley. Napahawak naman ako sa tiyan ko at pinalo ko siya. “Grabe ka naman sa akin, Ashley! Kahit naman marami ang mga nakakain ko ay hindi naman lumalaki itong tiyan ko.” Sabi ko sa kaniya. Tawa lang ang isinagot ni Ashley sa pagpalo ko sa kaniya. “Ako… ako… alam ko paano talaga lalake tiyan mo.” Sa

