Chapter 1

1110 Words
Chapter 1 Valerio "Cena! highest ka na naman sa exams natin! balita ni Chuchi ay halos perfect ang lahat ng subjects mo, ikaw na talaga! maganda, mabait at matalino! kaya gustong-gusto ka ng mga kalalakihan dito sa school natin," sabi ni Ashley sa akin. Inayos ko ang notebook at libro sa loob ng bag ko. Katatapos lang ng ikalawang subject sa umagang ito.   Nilingon ko si Ashley at nginitian ito na naman siya palaging hyper.   "Ang sabi-sabi nga ay type ka daw nung varsity sa nursing, si Timothy? Hay nako, Cena! yummy ‘yon! pwedeng-pwede na diba?" sabi niya sa akin.   Tinapik ko siya sa kan’yang braso at nilingon ang paligid, mabuti na lamang at kami lang ang nasa room at ang iba ay lumabas upang mag miryenda.   "Ash naman, magdahan-dahan ka muna nga. Wala pa sa isip ko ang pakikipagrelasyon isa pa ang pagtatapos ang mahalaga sa akin ngayon para matulungan ko si mama," sabi ko sa kaniya.   Napasimangot siya sa akin at naupo sa tapat ng upuan ko.   "Bakit? ayaw na ba sustentuhan ni Konsehal Garcia ang pagpapagamot sa mama mo? hindi ba at ang sabi-sabi ay may bagong babae sa kabilang bayan iyang mabuting step-father mo?" sabi ni Ashley.   Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Wala talagang preno ang bibig ng kaibigan kong ito!   "Ash! baka may makarinig sa iyo!"   "Totoo naman, Hmp! pero Cena, one year na, na walang malay si Tita Celebes, anong balak mo?" tanong sa akin ni Ashley.   Napakagat ako sa aking labi. Ano nga ba ang balak ko? Na-comatose si mama. Naaksidente ang lulan niyang kotse papunta sana sa event nila Konsehal Garcia, tumatakbong konsehal noon ang aking step-father at bilang butihing may bahay ay suportado ang mama. Ang sabi-sabi ay sadya ang pagkakaaksidente ng mama. Nais ko man na tumulong sa pagpapasamot ay hindi ko pa kayang kumita ng pera, kaya sa ngayon ay umaasa ako kay konsehal. Alam kong malaki na din ang nagagastos niya sa pagpapagamot kay mama.   "Tapos Cena.. iyong kapatid ni Konsehal Garcia, sinasaktan ka pa rin ba?" tanong sa akin ni Ashley. Kinwento ko ang tungkol sa pananakit ng kapatid ni Konsehal Garcia sa akin, madalas akong pumapasok ng may pasa dahil doon.   "Ashley, okay ako,” sabi ko sa kaniya.   Napatingin si Ashley sa braso ko. Long sleeve ang uniform namin kaya hindi makikita ang mga pasa doon.   Tumayo si Ashley at pwersahang itinaas ang sleeve ng uniform ko.   "Ashley!" mahinang suway ko sa kaniya.   "Isumbong mo na Cena! Nang maipakulong ang matandang iyon! Hindi tama na sinasaktan ka niya ng ganiyan!" sabi ni Ashley sa akin.   May galit ang tono ng boses na nakatingin siya sa akin at sa mga pasa sa aking braso. Nanginginig na ibinaba ko ang sleeve ng uniform ko. Umiling ako sa kanya. Ayoko ng gulo, isa pa tiyak na ako lamang din ang mamomroblema sa huli, dahil siya ang paniniwalaan ni Konsehal Garcia.   "Hindi pupwede Ash, kapatid siya ni konsehal, kapag ginawa ko iyon ay tiyak kong ititigil ni konsehal ang pagbabayad sa ospital para kay mama," sabi ko.   "Pero hindi tama iyong ginagawa ng matandang iyon! Ano ba ang napapala niya kapag sinasaktan ka niya?! ako ang natatakot para sa iyo, baka sa susunod ay sa ospital na kita madalaw,” sabi ni Ashley, “Kung gusto mo ay sa bahay ka nalang muna!" Nanggigilid ang luha sa aking mga mata. Alam kong delikado na ako sa mansion dahil sa pananakit sa akin at alam ko din na swerte lang ako kaya ako nakakaligtas minsan, pero wala pa akong magagawa sa ngayon.   "Baka sa susunod ay hindi lang pasa ang abutin mo Cena, please, umalis ka na kaya sa poder nila?” sabi ni Ashley.  Hindi kasi matanggap ng kapatid ni konsehal na sa katulad ni mama babagsak ang kapatid niya kaya't sa tuwing makikita ako ay ako ang sinasaktan nito lalo pa at nasa ospital si mama. Nakita ko ang mga luha sa mga mata ni Ashley. Naiyak na ako at natakpan ko ang aking mukha. Mahina akong napahagulgol. Siguro dahil na rin sa sakit na pinagdaraanan ko ngayon.   "Hindi ito dapat ginagawa sa iyo," sabi ni Ashley.   "Kaya kitang tulungan Cena, may alam ang papa sa pulitika. Senador si Tito Carson matutulungan ka namin," umiling ako kay Ashley. Hindi ko kayang idawit ang pangalan ng kaniyang pamily. Hindi ang katulad ko ang sisira sa magandang pangalan ng pamilya nila.   "Cena naman,” sabi ni Ashely.   Hinawakan ko ang mga kamay niya at pinisil iyon.   "Kaya ko pa naman, matitiis ko pa. Magising lang si mama, pangako aalis kami sa mansion ni Konsehal Garcia," sabi ko sa kaniya.   Tumango-tango si Ashley sa akin.   "Pag nagising ang Mama mo ha? Pangako yan," sabi niya.   Flowera Ashley Galvante. Siya ang nag-iisang kaibigan ko sa paaralang ito. Parehas kaming nasa 2nd year college. Maimpluwensya din ang pamilya niya. Isa ang pamilyang Galvante founder ng paaralang pinapasukan namin. Kaya tama ang sinabi niya kanina na kaya niya akong tulungan. Pero wala pa akong maipagmamalaki ngayon. Hindi pa pupwede na umalis ako sa poder ni Konsehal Garcia. Hindi pa, kahit na palagi ang pananakit na ginagawa sa akin. Matitiis kopa para kay mama.   "Cena, pakisamahan nga ako sa building nila Kuya Arthur, nakalimutan ko pala ‘yong susi ko ng bahay namin, hiramin ko muna ‘yong kay kuya. Gabi na siyang makakauwi eh, wala naman sila mommy dahil nasa business trip,” sabi ni Ashley.   Medyo may kalayuan ang building ng mga Arki sa building namin. Buti na lamang ay mahaba-haba ang vacant namin ngayon.   Si Kuya Arthur ang kapatid ni Ashley ay nasa huling taon na ng kolehiyo at Architecture ang kurso nito. Habang naglalakad kami ni Ash ay binabati kami ng mga estudyanteng nakakasalubong namin. Binabati at nginingitian din namin ang mga ito. Hindi lang naman ako ang , si Ashley din. Sa academics lang naman ako nakilala. Valedictorian kasi ako ng school na ito noong high school. Nang madaan kami sa building ng mga med students ay napakabagal ng lakad ni Ashley.   "Bilisan kaya natin para makabalik tayo agad,” sabi ko kay Ashley.   Nataranta siya bigla nang magsalita ako. Hindi ata niya napansin na nakatingin na ako sa kaniya, habang siya ay nanghahaba ang leeg at parang may tinitingnan sa bawat room na nadadaanan namin.   "A-Ah mamaya pa naman ang susunod na klase Cena," sabi niya sa akin.   "Sino ba ang hinahanap mo?" tanong ko sa kaniya. Napahinto si Ashley sa paglalakad at itinaas ang dalawang kamay niya.   "W-Wala no!" sabi niya sa akin.   Nginitian ko siya. Alam ko ang ganoong style niya.   "Sinong crush mo sa building na ito Ashley?" tanong ko.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD