Chapter 50 Valerio Hindi na ako kinausap pa ni konsehal, kanina ay nagkaroon ako ng oras para mahalikan si mama bago siya ilipat ng stretcher ng mga nurse. Ngayon ay narito kami sa labas ng hospital at tinanaw ko na lang si mama habang isinasakay siya sa ambulansya. Napakaraming pumapasok na ala-ala sa aking isipan. Mga ala-ala naming dalawa ni mama noong nakakasama mo pa sya sa mansion at kahit noong nangyari ang aksidente. Nagpasko at bagong taon ako sa ospital kasama siya, noong kaarawan nya kahit wala syang malay ay naghanda ako para sa kaniya. Naalala ko pa noong ikinwento ko si Theo sa kaniya at sinabi ko ang mga bagong pakiramdam na naramdaman ko kay Theo. Kahit na walang malay ang mama ay palagi ko siyang kinakausap habang hawak ko siya sa kaniyang kamay. Sa ganoong paraan kahi

