Chapter 14
Baby
It's been a week since na nangyari yung surprise sa akin ni Ethan sa isang hotel noong nakaraang linggo, at sobrang na paiyak ako sa ginawa niya, at di ko inaasahan na gagawin niya yung bagay na yun.
Sumama na ako kay Ethan papunta sa opisina niya, ayuko kasing maiwan sa mansiyon niya masyado na akong na babagot dun. At isa pa ngayun na ang checkup ko dahil di pa kami pumupunta ng OB gyn. I want to know if my baby is ok. Mag kahawak ang kamay namin ng pumasok kami sa building kompanya niya.
Napatingin sa amin lahat ng madaanan namin. Yung iba ay bumabati pero hindi niya ito pinapansin at diretcho lang ang tingin, pero yung iba ay napapatingin sa mag kahawak naming kamay.
Hindi ko alam kung mahihiya ba ako o magiging proud dahil hawak ko ang kamay ng pinapantasiya nila.
Napatigil kami sa pag lalakad ng humarang si Elena. Naka Jeans lang to at off shoulder na pula.
"What do you want, Elena?" Malamig nitong tanung kay Ellena pero sa kamay namin siya naka tingin. Tssk. akin siya b***h. Bulong ko na lang sa isip ko.
"We need to talk." Malambing nitong sabi at tumingin na ng deretso kay Ethan. Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nito. Kakausap lang nila yung isang araw ah? Tumingin na muna sa akin si Ethan bago niya sagutin si Elena.
"May pupuntahan pa kami, bukas na lang tayo mag usap." Sabi niya at marahan niya akong hinila papunta sa elevator akmang pipindot na sana ni Ethan pero pinigilan nanaman to ni Elena. Tumaasnng bahagya ang kilay ko dahil sa ginawa niya.
Di ba siya maka intindi? How pathetic b***h.
"Importante to, Ethan." Madiin na sabi nito. Marahas naman kinuha ni Ethan ang kamay nitong nasa braso niya.
"How many times do I have to tell you, na may pupuntahan pa kami? Mas importante pa ang baby ko kaysa diyan." Malamig na ang boses niya. At Pinindot ang open bottom, di na namin pinansin si Ellena at pumasok na kami sa loob.
Pinindot niya ang Top floor at tumabi na sa akin, sobrang tahimik namin, at kahit isa sa amin ay wala man lang na nag aksaya ng oras para mag salita. Ng marating namin ang floor niya ay ako na mismo ang unang lumabas, ramdam ko namang sumunod siya sa akin at niyakap ako sa likod.
"Baby, are you mad?" Malambing niya sa sabi. Bumuntong hininga na lamang ako sa kanya at binaklas ang kamay niyang naka pulupot sa bewang ko, humarap ako sa kanya.
"Pano kung importante nga yun?" Malambing kung sabi sa kanya.
"Pero mas importante kayo," hinaplos niya ang umbok kung tiyan sa dress ko. "Si baby ang importente ok? At isa pa, ito ang unang punta natin sa OB kaya dapat nandun ako."
Aangal pa sana ako ng mabilis niya akong hinalikan sa labi.
"No, buts baby. Upo ka na muna diyan may pepermahan lang ako, Saglit lang to." tumango naman ako sinabi hinalikan na niya muna sa noo bago siya pumunta sa lamesa niya at nag simula na siyang pumirma. Ako naman ay umupo sa pang isahang sofa.
Inikot ko ang paningin ko sa opisina niya wala naman siyang masyadong gamit dito, maliban na lang sa isang malaking book selves at itong sofa set center table at ang office table niya, meron din sa gilid ng book selves na water despencer.
Kinuha ko na muna ang isang magazine na nasa center table, mukha niya kaagad ang nakita ko.
Napaka gwapo niya talaga, hinaplos ko ang mukha niya na nasa magazine, seryoso siyang nakatingin sa camera at wala man lang emosyon ang kanyang mga mata, kahit na ngumiti man lang siya sa camera ay di niya ginawa, pero kahit ganun, gwapo pa rin siya nakaka attract ang kagwapohan niya.
Umangat ang tingin ko kay Ethan ng tumikhim siya sa tabi ko. Ngumiti ako sa kanya at pinakita ang magazine na hawak ko. Kinuha niya ito at nilapag na sa mesa, kinuha niya ang kamay ko at sabay kaming nag lakad palunta sa elavator.
Ng makalabas kami ng building niya ay dumeretso na kami sa parking lot kung saan naka park ang sport car niya. Pinag buksan niya ako ng pinto at mabilis siyang pumasok, siya na mismo ang nag kabit ng seatbelt ko.
At mabilis na nag nakaw ng halik.
"Safety first, baby." Then he smirk.
Umirap na lang ako sa kanya, di talaga siya mawalan ng kahalayan sa katawan.
Halos dalawang oras ang naging byahe namin, dahil sa dami ng arte, gusto niya daw sa mismong ospital niya ako mag pa OB dahil wala daw siyang tiwala sa iba. How possessive.
Lumabas na kami ng kotse niya habang bitbit ko ang take out na pag kain kanina, nagutom kasi ako habang nasa byahe kaya ayun, napadaan kami sa Jollibee kaya nag take out na lang ako.
Binigay niya ang susi sa guard na nandun at kinuha na ang bitbit kong pag kain, at hinapit niya kaagad ang bewang ko. Pumasok na kami at bumungad sa akin ang mga nurse at mga pasyente, may lumapit naman sa amin na babae na naka doctor coat pa.
Ngumiti siya sa amin at binati kami.
"Good morning, Mr/Mrs. Blackfox. Naka handa na ang lahat." Nakangiti niyang sabi tumango naman si Ethan habang ako kay naka kunot ang noo.
Hindi na ako nag salita pa ng igiya niya ako sa isang kwarto at nandun na nga yung babae kanina na nakatayo at may dalang damit?
Binigay niya to sa akin, at sininyasan niya akong suotin ko yun, tumango na lang, di niya kailangan sabihin yun eh, alam ko yun, doctor din kaya ako. Napairap na lang ako sa hangin at nag bihis na, para na rin akong pasyente nito. Umiling na lang ako lumabas na, iginaya nanaman ako ng babae pahiga sa kama. Tsssk. Alam ko nga to sabi eh.
"Nasa si Ethan?" Takang tanung ko sa kanya, di ko kasi siya nakita ng lumabas ako.
"Nasa labas lang Mrs. Blackfox, babalik na rin naman yun." Pag kasabi niya non ay sakto namang pumasok si Ethan. Katulad kanina wala nanamang siyang emosiyon, mabilis niya lumapit sa akin at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.
Malamig ang mga kamay niya kaya napa ngisi na lang ako.
"Wag kang kabahan, magiging ok lang naman kami." natatawang sabi ko sa kanya, sinamaan niya naman ako ng tingin at ngumuso siya.
"Hindi kaya ako kinakabahan."
"Ibat ang lamig ng kamay mo?" Asar kong tanung sa kanya, tumaas naman ang kilay niya.
"Malamig ang aircon eh." Parehas kaming natawa ng doctor na nasa tabi ko.
"Wala namang mangyayari sa kanya eh, Relax lang boss." Tumango naman si Ethan sa sinabi ng babae pero mas lalong lumamig ang kamag niya, di ko na lang pinansin yun dahil baka umapoy siya sa galit.
Tinaas na niya ang damit na suot ko at nilagyan ng Gel ang tiyan ko para iwas sa radation. Nilagay na niya sa ibabaw ng tiyan ko ang Fetal doppler at ginagalaw galaw to.
"Look, the baby is fine." Sabi niya sabay turo sa monitor hindi pa masyadong malaki si baby, dahil isang buwan pa lang naman siya kaya parang bilog pa lang ang nakikita namin. Napatingin naman ako kay Ethan ng mabilis niya akong niyakap at bumulong sa tenga ko.
"Thank you, baby, Iloveyou. Thank you." Nagulat ako sa sinabi niya pero parang siya ay wala lang sa kanya. Did he say 'iloveyou'?
Napatingin ako sa doctor ng mag tanung siya kung gusto ba naming marinig ang heartbeat ni baby, kaya naman mabilis akong tumango, pero si Ethan ay nakayakap pa rin sa akin.
May pinindot siya sa monitor at narinig na namin ang mahinang tunog at yun ang heartbeat ng baby namin, oh my God. Thank you, thank you for this blessing I can't want to see my baby. Mabilis kong pinunasan ang luha ko na nag landas sa pisnge ko.
"Your baby, is doing fine. Basta bawal ma stress huh? bawal ang mabibigat na gawin, at palaging kumain ng healthy food and bawal ang junk foods. Here" tinanggap ko naman ang binigay niyang papel ag binasa yun.
"Nandiyan na ang lahat ng Vitamins and milk na kailangan niyong bilhin, at kung mag ka problema man, you can call me any time ok?"
"Ok"
Masaya kaming lumabas ng kwartong yun, di ko alam kung saan ko ilalagay ang kasiyahan ko. My baby is fine and Ethan Loves me. Umiling lang ako dahil sa naiisip ko, baka nag kamali lang ako ng rinig kaya ganun.
Bago kami umuwi ay dumaan na muna kami sa mall may bibilhin lang daw siya sa NBS (National Book Store) napatingin ako sa binili niya.
"Seriously, Ethan?" Natatawang tanong ko sa kanya ng makitang about sa pag bubuntis ang binili niyang libro.
"Yes, dapat alam ko ang mga hindi pwedeng gawin at dapat gawin ng buntis, at dapat alam ko din yung gagawin ko para sa inyo."
"Ang sweet naman." Komento ko na lang, para di niya makitang kinikilig ako.
"Para sa inyo ni baby, lahat gagawin ko."
Ethan hindi ko alam kung ano ang ginawa mo para mahalin kita ng ganto, sobrang swerte ko at nakilala kita, kahit na sa di inaasahang pag kakikita, i'm going to love, forever. My Ethan.
"I love you, Ethan."