Chapter 6
I miss you
"Magandang hapon, Queen." Ngumiti ako sa mga katulong na bumabati sa akin kapag nasasalubong nila ako. Dumerecho ako sa kusina para hanapin si Manang Mila, siya kasi ang mayordoma dito at kapag may kailangan daw ako ay sa kanya ko na sasabihin.
Nakita ko naman kaagad siya na nag luluto kaya naman agad akong lumapit sa kanya.
"Manang, may cherry ba dito?"
Agad namang napatigil si Manang sa pag luluto at agad akong hinarap.
"Meron akong binili kanina, tingnan mo na lang diyan sa ref." Agad naman ko naman tiningnan ng makita kong meron ay kumuha ako ng isang lalagyan at kumuha dun. Nag patuloy naman si Manang sa pag luluto. Mag aalasais na rin naman ng gabi kaya naman nag luluto na si manang.
Hinanap ko naman sa labas si Callie at ng makita ko siya sa may swimming pool seryuso siyang nakatutok sa laptop niya, mas suot din siyang salamin, kaya naman mas lalong bumagay sa kanya. Ang matangos nitong ilong ang mapungay niyang mga mata at ang mahaba nitong pilik mata, kasama pa ang makapal nitong kilay at mapupulang labi.
Nag angat siya ng tingin sa akin, tinanggal niya ang kanyang salamin at sinara ang laptop niya, kaya naman ay umupo na ako sa harap niyang upuan at nilagay sa mesa ang cherry,
"May kailangan ka?" Umiling ako sa tanong niya at tinuro ang laptop niya.
"Pag patuloy mo lang, di naman ako mag iingay, na bobored na kasi ako sa kwarto." Umiling lang siya sa sinabi ko at mahinang natawa.
"Tapos ko na rin trabaho ko, bat di mo sinabing na bobored kana, sana at nilabas-labas na muna kita dito." Naiilang na sabi niya pero tingnan ko lang siya.
Seryuso siya? Ang sabi kasi ni Ethan bago siya umalis ay wag akong papalabasin ng bahay kaya naman bantay sarado ako dito.
And speaking of Ethan anyway, kailan kaya uuwi ang lalaking yun? Two weeks na kasi yung huli ko siyang nakita uminit naman ang pisnge ko ng maalala kong nakatulog ako sa kanya habang inaamoy siya.
"Giza? Ok kalang?"
"huh?" Napatingin ako kay Callie dahil sa tanong niya.
"Sabi ko, okka lang ba? Namumula ka kasi." Kunot noong tanong niya umiwas naman ako ng tingin sa kanya at sa kinakain ko na lang ako tumingin.
Mahabang katahimikan ang namayani sa amin, siya naman ay binuksan ulit ang laptop niya na parang may ginagawa nanaman siya. Kaya naman ng mabagot ako sa katahimikan ay nag salita na ako.
"Callie, saan ba pumunta si Ethan?" Tanong ko sa kanya. Mag dadalawang linggo ko na kasing di nakikita si Ethan kaya naman na cucurios na ako, ang sabi niya lang naman sa akin ay may aasikasohin lang siya sa Japan, dahil may nangyaring aberya sa pag deliver ng supply nila.
"Diba nga nasa Japan si bossing" kamot ulong sagot niya naman. Habang mag titipa sa kanyang laptop, sumubo naman ako ng cherry dahil sa inis ko sa kanya.
"Kailan ba kasi ang balik niya?" tanung ko ulit habang ngumunguya ng Cherry.
Sa dalawang linggong pamamalagi ko dito sa mansiyon ni Ethan, di ko pa rin maiwasan na hindi mag alala, I really don't know him, ang alam ko lang sa kanya ay ang pangalan at isa lang siyang business man at wala ng iba.
At ang ipanag aalala ko rin ang sasabihin ng magulang ko. Nakaramdam naman ako ng kirot sa dibdib ko, matatanggap kaya nila tong batang dinadala ko?
Napabuntong hininga na lang ako dahil sa naisip ko.
Napatingin ako kay Manang ng may nilapag siyang gatas sa harap ko,.
"Inomin mo muna yan, at wag mag papahamog bawal yan sayo." Tumango ako sa paalala ni Manang, ng umalis siya ay tumingin ulit ako kay Callie na ngayun ay busy nanaman.
"Hmm, baka sa isang araw. Nandito na sila." Halos maibuga ko na ang iniinom kung gatas dahil sa sinabi niya.
What the f**k?
"Bat ngayun mo lang sinabi?" Inis na sigaw ko sa kanya. Halos araw-araw akong nagtatanung sa kanya kung kailan ang uwi ng lalaking yun eh.
Di ko alam kung bakit ganun na lang ang kagusto kong makita siya, baka dahil miss ko na siya or dahil lang sa epekto ng pag bubuntis ko?
what the f**k? ako miss ko siya? no way!
"tawagan mo siya, NOW NA!" Malakas na sigaw ko, sa kanya.
"baka magalit yun?" Nag dadalawang isip niyang sabi, inirapan ko lang siya at tumayo.
"Tawagin mo siya, ako kakausap." mahinahong utos ko sa kanya.
Tsk, di ko na maintindihan ang sarili ko, bat gusto ko siyang makita? Hays, sintomas lang to ang pag bubuntis.
Tama, wala naman ibig sabihin to eh.
"Busy nga kasi yun, tapos uuwi na rin naman yun eh." Nanlulumong sabi nito. Sinamaan ko siya ng tingin at padabog na tumayo.
Pumasok ako sa loob ng mansiyon nakasalubong ko naman yung ibang Katulong pero wala ako sa mood na kausapin silang lahat, bahala sila sa buhay nila.
Napatigil ako sa pag lalakad ano naman sasabihin ko? Bahala na nga, dumercho na ako sa kwarto at nahiga na, nilagay ko naman ang cellphone ko sa side table para kung sa kaling marinig ko, pinikit ko na ang mata ko ng dinalaw ako ng antok.
CALLIE POV!
Napatigil ako sa pag tipa sa laptop ko ng nag walkout si Giza, sinundan ko naman siya ng tingin hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. Tiningnan ko ang cellphone ko na nasa gilid ko, agad ko naman itong kinuha at hinanap ang contact ni bossing.
Di ko alam kung anu gagawin ko pag katapos na mag walkout ni Giza, tangina! Malalagot ako nito kay bossing eh, ayaw pa naman nun na iistorbo lalo na kapag sa 'underworld' ang bussiness niya.
Nag dalawang isip pa ako kung tatawagan ko ba si bossing o hindi, pero wala naman akong pag pipilian kundi ang tawagan siya eh.
Pansin ko kasi ang pagyamot ni Giza dito sa mansiyon, at mukhang si bossing pa ang napag lilihian, tsk,tsk. Napaka delikado nito sa para sa kanilang dalawa.
"What the f**k is that, Callie?" Nagulat ako ng mag salita na sa kabila si Bossing, halos mag dadalawang ring pa nga lang yun eh.
Napalunok na lang ako ng wala sa oras.
"Bossing, anu kasi!" Tangina! wag kang mautal gago! pagyan naging dragon kita kits na lang sa impyerno.
"Spill it, Callie or i'll shoot you?" Napaupo naman ako ng maayos at tumikhim. Seryuso pa naman ang isang to.
"Hinahanap kana ni Ma'am Giza, gusto ka niya daw makausap kaso-----"
Napatingin ako sa cellphone ko ng naputol ang linya, napailing na lang ako ng makitang binabaan ako! Wow, lang. Pag si Giza talaga ang pinag uusapan daig niya pa si flash sa sobrang bilis.
Tsk, tsk, pag-ibig nga naman, pwedeng makamatay. -_-
Kumuha na muna ako ng yosi sa bulsa ko at sinindihan ito.
Hindi pa nag sisimula pero, ang laki na kaagad ng problema, panu pa kaya kapag nalaman ang mga kalaban ang kahinaan niya? Panu na lang yung dalawa?
Binuga ko ang usok na aking bibig at pinag patuloy na lamang ang trabaho ko, binabantayan ko kasi ang galaw ng magulang ni Giza at dahil na rin sa utos ni Bossing.
Masyadong mayaman ang magulang niya pero mas mayaman naman si Bossing, may nalaman pa ako bukod dun at kailangan tong malaman ni Bossing, hindi na rin naman ako nagulat sa nabasa ko. Kadalasan na tong ginagawa para lamang makilala ang pamilya niyo.
Mabibili mo talaga ang isang tao sa pera, yun naman talaga eh, diyan talaga umiikot ang mundo.
Ang pera.
Kung wala ka niyan, aapakan ka lang ng iba, dahil pera na ang basihan sa panahon ngayun, wala kang magagawa kung ang kalaban mo ay may kapangyarihan. Wala kang laban diyan, kahit ang batas ang nabibili na.
But they don't deserve this s**t!