Chapter 20
Traitor
PS. Please read this! I just want to say guys na 1ST ANIVERSSARY ng ONSWAMFB! So I just want to say thank you, dahil naging parte kayo ng isang taon ng ONSWAMFB sana hindi kayo mag sawa na suportahan pa sila. Gusto ko na bigyan niyo ako ng feedback about this story guys please, o di kaya yung mga bagay na dapat ko pang gawin para maging succesful tong story na to. Hope you enjoy this, update. -CALLY
--
Busy ako ngayung araw na to, dahil sunod-sunod ang mga investor na gustong makipag deal sa negosyo ni Ethan. Hindi ko alam na ganito na pala kalaki ang napabago sa kompanya niya.
Tinawagan ko naman si Kyla at pinapasok sa opisina ko, Kyla is Ethan secretary kaya naman siya na rin ang kinuha kong sekretarya dahil may tiwala naman ako sa kanya. At isa pa si Kyla ay isa sa pinag kakatiwalaan ni Ethan noon pa, kaya naman di na ako nag hanap ng iba.
"Yes, Mrs. Blackfox?"
"May mga meeting pa ba ako this afternoon?" I asked her. Pero hindi ako nag taas ng tingin sa kanya. Patuloy ko pa ring binabasa ang mga files na pinadala ng mga ka-bussiness meeting ko. Kailangan ko tong pag aralan ng mabuti dahil hindi pwedeng may mga ahas na pumasok sa pinaghirapan ni Ethan.
"Yes, ma'am. May meeting ka mamayang 2:00 P.M kay Mr. Lorenzo, at 6:00 P.M At kay Mrs. Miller din po." Umangat ang tingin ko sa kanya. Mrs. Miller? My mother?
Anu naman kaya ang kailangan niya?
Tssk.
"Wala na ba?"
Umiling naman siya, sinenyasan ko naman na siya na maaring na siyang umalis. Ng tuluyan na siyang maka alis sa opisina ay napabuntong hininga na lamang ako.
Tumingin ako sa wall clock nasa gilid ko. 12:56 P.M na mag aala una na pala, may isang oras pa ako para makapag handa. Tinigil ko na ang pag rereview ng mga folder nila at inayos ang mesa ko. Ng maayos ko na to ay kinuha ko ang white coat ko na nakasabit sa sofa at ganun din sa sliding bag ko.
Lumabas na ako sa opisina at ang table kaagad ni Kyla ng bumungad sa akin. Lumapit naman ako sa kanya.
"Kyla, baka dederetcho na ako mamaya sa meeting namin ni Mr. Lorenzo, pero yung meeting kay Mrs. Miller ipacancell mo."
"Yes, Ma'am." Tumango ako sa kanya.
"Thank you." Hindi ko na siya hinintay na makapag salita pa at pumunta na ako sa elevator, nag hintay ako saglit bago ito bumukas.
Ng makarating ako sa lobby ay lahat sila ay busy sa ginagawa nila, tumigil lang sila ng makita ako.
They greated me Good afternoon but I ignored them all. Wala akong time na makipag greet sa kanilang lahat. Ng makalabas ako ng building ay pumarada kaagad ang sasakyan kong ferari. Kinuha ko naman kaagad ang susi sa guard at sumakay na dun.
Tiningan ko na muna ang compartment at nakita ko ang Hundson H9 9mm Luger Semi Auto pistol 4.28, my favarite gun. Napangisi naman ako, This gun is for an f*****g emergency only
Napangisi naman ako, This gun is for an f*****g emergency only. Pinaandar ko na ang sasakyan at mabilis itong pinaharurot.
Halos mag to-two P.M na ako ng makarating sa Red Restaurant kung saan ang venue ng meeting namin ni Mr. Lorenzo. It was Davides Company after all. Ng makapasok ako sa loob ay may isang lalaking lumapit sa akin.
Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Afhhm. Ako po yung Sekretarya ni Mr.Lorenzo."
Kumonot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya, pero sumama pa rin ako sa kanya. Will I have my gun and I can handle my self.
Huminto kami sa double door na. Pinag buksan naman kami ng dalawang lalaki na nasa gilid, hindi ko na lang yun pinansin at pumasok na sa loob.
Nakita ko naman ang lalaking naka talikod sa akin, umarko naman pataas ang kilay ko. His back look familiar? Lumapit na lang ako dito at umupo sa bakanting upuan.
"Long time no See." Sumama bigla ang timpla ng mukha ko pag karinig ko palang sa boses niya. Inangat ko ang ulo ko sa kanya at sinalubong ang tingin niya.
"What do you want?"
"Hey, i'm here for a bussiness, woman." ngisi ng loko. Napatingin naman ako sa kanya. Una naming pag kikita noong dinala ako ni mommy sa isang conference room at kasama na dun ang attorny niya. Halos noon ay para siyang isang mabagsik na leon, pero ngayun? Para na siyang joker at naiinis siya dun.
Ngumisi naman ako sa kanya.
"Who the hell are you, huh? Mr. Alex Lorenzo?" Natigilan naman siya at biglang nag seryoso.
"I'm Alexander Lorenzo." Nakangising sabi niya. See, gago ang lalaking to. Bigla na lang may nag pop, na alala sa akin.
"Bakit, Yung nag away kayo ni Ethan noong unang nating nag kita at tinawag ka niyang, Adopted?" ito talaga ang unang pumasok sa akin noong nag paliwanag siya noon, eh. Kung mag kapatid sila sa Ina bakit adopted ang tawag nito?
Natawa naman siya. "Hindi niya matanggap na mag kapatid lang kami sa ina at hindi buo, kaya ang toring niya na lang sa akin ay adopted." Napailing na lang ako sa pag didiin niya sa ina.
"Then what are you doing here?"
"I'm here for a bussiness."Kibit balikat niyang sabi. Tsk.
"Are you freaking serious?" I asked him, hindi pwedeng mag tiwala ako sa lalaking to, isa siyang tuso.
Ngumisi naman siya sa akin.
"Alam mo? Tanga ka." What the f**k?
"What did you just sa---"
"Sabi ko, tanga ka." Abat inulit pa talaga? Hindi ko na mapigilan ang inis ko sa kanya, kinuha ko naman kaagad ng kutsilyo na nasa mesa at tinutok ito sa kanya. Pero heto siya at kampante lang na nakaupo.
"Alam mo? Tanga ka, hindi ko alam kung pano ka naging reyna. Wag kang mag titiwala sa malalapit sayo, dahil isa sa kanila ang ahas kapag naka talikod ka." Natigilan ako sa sinabi niya. what the hell?
"See, ngi hindi mo nga alam kung anu sinasabi ko. Sa sobrang bait mo at palagi kang naka fucos sa pag hihigante mo, hindi mo alam na tinitira kana patalikod." Biglang siyang nag seryoso at Tinitigan ako. " Wag kang mag bulag-bulagan sa nakikita mo, Giza. Dahil alam ko at alam mo na may maling nangyayari sa paligid mo, At bakit di mo pa imbestigahan ang totoong pumatay sa kapatid ko?"
May alam ba si Alex sa nangyari five years ago? Nanlalambot na napa upo ako.
"You know, Giza. Your right. Tama yang nasa isip mo. Diba nakakapag taka na limang taon kanang nag hahanap ng kasagutan at limang taon kana rin nag iimbestiga pero wala ka la ring nalalaman, kung sino-sino ba ang nasa likod nun?" Napatingin ako sa kanya. How did he know that? at panu niya nalaman na marami ang pumatay kay Ethan? May alam ba siya.
"May alam ka ba dito?"
"Actually, Yes, marami akong alam. Giza. Sobrang rami, pero ayaw niyang makialam kami, dahil gusto niyang ikaw mismo ang makahanap ng sagot." Bumuntong hininga siya. "So find the truth, Giza your time is running, dahil kapag di kapa kumilos, lahat ng nasa sayo ay mawawala, kabilang na ang anak mo." Bigla akong binalot ng takot dahil dun, s**t! Kunin na nilang lahat sa akin wag lang ang anak ko, wag lang si Snow. Si Snow na lang meron ako.
Pero sinong siya ang tinutukoy niya?
"Sinong niya, Alex?" I asked. Again bago siya tuluyang makaalis.
"Find the truth, first. Giza, will kung kaya niya pang magtiis." Tuluyang sabi niya, lalo niyang ginulo ang magulo kong isip.
Sino ang traydor? At sinong niya, ang tinutukoy niya? s**t! ginulo ko naman ang buhok ko at tumitig sa kawalan. Pag kakatawilaan ko ba siya? Pero hindi niya naman sasabihin sa akin kung hindi namna yun, totoo.
Na balik na lang ako sa realidad ng mag beep ng cellphone ko, mabilis ko naman itong binuksan at Isang unknow number ang nandun.
Find the truth, and you will going to be free.- MR. B
Mr. B? Sinong Mr.B nanaman to? Baby ba to or may something pa? Hindi ko na alam ang gagawin ko, pero sana, sana walang traydor sa kanila. Nanatili pa ako ng ilang oras bago ko napag pasyahan na umalis na lang.
Naabutan ko ang tatlo na nag lalaro sa sala kasama na si Snow, lumapit ako sa kanya at tinakpan ang kanyang mata.
“Hulaan mo, kung sino to.” Pinalaki ko ang boses ko para hindi niya ako makilala, pero hindi ko ata siya maloloko ng dahil lang sa boses ko.
“Mommy, you always do that, so I know that is you.” Natatawang binaba ko ang kamay ko. Humarap naman siya sa akin ng naka taas ng noo.
“See mommy, I know you.” Humakhak kaming apat dahil sa sinabi niya, kinurot ko ang pisnge niya at binigay sa kanya ang cookies na binili ko.
“I know baby, here you cookies.”
“Yehey!” tiningnan ko lang siyang tumakbo papunta sa kusina.
“Manang nadiyan si Snow, pakiasikaso na lang muna.” Sigaw ko.
Hinarap ko naman nag tatlo, Fire, Cloud, Callie. Nasan si Ice? Umupo ako sa sofa at hinilot ang ulo ko, god! Di ko na alam ang gagawin ko, sino bas a kanilang apat? Ayukong tanggapin na isa sa kanila ay maaring traydor pero may kutob ako na isa nga kanila.
“May problema ba Giza?” umiling lang ako sa tanong ni Callie, Ayuko mo ng sabihin sa kanila ang nalaman ko, mas magandang ako na muna ang makaalam ng mga nangyayari tong. Sarili ko na muna ang pag kakatiwalaan ko at wala ng iba.