One

948 Words
*****One***** "Ikaw na babae ka! Inagaw mo ang lahat sa akin!" galit na sabi ni Adora. " Sino ang inagaw ko sa iyo ? 'Yang boyfriend mo na mukhang pitbull? Hindi ko kasalanan na nakipagbreak sya sa iyo at manligaw naman sya sa akin " mataray na sagot naman ni Luisa ang babaing maganda, seksi, matalino pero ubod nang sama ng ugali. "Ha!ha!ha kung gusto mo sa'yo na lang 'yang exboyfriend mong mukhang aso sunod ng sunod sa akin!" dugtong pa nya. " Mayabang kang babae ka" galit na galit na sya. Itinaas nya ang kanyang kamay at aktong sasampalin si Luisa. "Cut!" sigaw ni Direct. Ang Direktor ng soap opera na may pamagat na "Ang Mundo mo'y Saiyo na". Ang bagong soap opera na kinahuhumalingan ng mga lola at nanay tuwing gabi. "Okay . "Yung extra papasukin na dito. Bilis!" utos ni Direk.. Ako naman nagmamadaling lumapit sa kanila . Suot ang isang seksing dress na backless, kapareho ng damit ni Luisa. Kukunan kasi ang bandang likod ni Luisa. Hindi naman sa nanglalait ako pero nasunburn kasi 'yung likod ng artistang gumaganap na Luisa kaya kailangan nila ng replacement para sa eksena na kung saan kukunan ang bandang likod nito. Ako si magandang Tammy ang napiling umekstra kasi kung hindi nyo natatanong pang-artista naman talaga ang beauty ko pati ang katawan at likod ko. Araw-araw kaya akong gumagamit ng kalamansi sa pagligo ko kaya kutis artista na rin ako. Pumuwesto na ako sa dating pwesto ni Luisa. "And take etc.. etc..!" sabi ni Direk "Ito namnamin mo ang bangis ko!" sabi ni Adora at Plak! Ayun sinampal ako. Ang sakit! Ang bigat ng kamay nya. Feeling ko natanggal ang aking face sa lakas nang pagkakasampal nya. "Cut!" sigaw ni Direk. "Ang galing mo Marissa" puri nya pa doon sa artistang gumanap na Adora. "Thank you Direk" pasweet naman na sagot nya. "Oh Tammy magbihis ka na at paki asekaso naman 'yung susuotin ni Marissa sa susunod na eksena" utos naman ni Direk sa akin. "Opo" sagot ko habang hawak ko ang aking namamagang pisnge. Kaasar si Direk pwede namang dayain ang eksena na kunwari hindi dadapo sa pisngi ko ang pagsampal pero gusto kasing realistic ang bawat eksena . Porket hindi sya ang nasasaktan. "Tammy sorry ha nadala lang ako sa eksena" hinging paumanhin ni Marissa. Nandito na kami sa dressing room at inaayos ko na ang susunod nyang susuotin . Ang papel ko kasi sa soap operang ito ay ekstra / alalay ni Marissa. "Okei lang pero gusto na kitang sabunutan ! Gaga ka ang sakit!" Inis na sabi ko sa kanya. Tumawa naman sya " Sorry na . Babawi ako" pasweet na hingi nya ng paumanhin. Medyo matagal na rin kaming magkasama ng bruhang artistang ito. Palagay na kami sa isa't isa at masasabi kong itinurin ko na rin syang isa sa mga kaibigan ko at sya rin naman sa akin. " Pasalamat ka at kaibigan kita!" "Mamaya treat kita ng dinner" sabi nya. "Sige" pagpayag ko ."Ito suotin mo na at baka magalit na si Direk" ibinigay ko 'yung damit na dapat suotin nya na sa susunod na eksena. Mackenzie Place Nandito kami ni Marissa sa loob ng magandang Makenzie Place isa itong hotel/ mall etc. Basta kagaya ng Resorts World na kumpletong ang facilities. Nandito kasi ang paboritong restaurant naming dalawa na kung saan ko natikman ang pinakamasarap na pasta . Dito nya ako ililibre. Gutom na ako almost nine na kasi ng gabi. Kakatapos lang ng taping. Lakad Ayan na ang favorite kong restaurant nabubuhay na ang aking mga bulate sa tyan . Nararamdaman na nilang mapapakain ko na sila. "Ay mam sorry po. Nakareserved po ang buong restaurant" pigil sa amin ng guard na nakasuot ng coat with tie. Sosyal ang dating ni kuya. "Ganoon ba hindi ba pwedeng pumasok dalawa lang naman kami" pakiusap ni Marissa . Nagbeautiful eyes pa ito. Kumurap-kurap naman ang mata ni manong guard na sosyal.." Mam kayo po ba si Marissa ang gumanap na Adora sa soap opera na "Ang Mundo mo'y Sa iyo na" tanong ni manong guard. Parang sobrang saya nya kasi nakita nya ng harapan si Marissa. "Yes po." pagpapacute naman nitong bruha kong kaibigan. "Mam paautograph po." inabot nya ang papel at ballpen. "Alam nyo po paborito po naming mag-asawa ang palabas nyo. Tuwing gabi nga po inaabangan namin. Ang galing nyo po" puri ni manong guard. "Thank you po . Ito po picture ko may autograph ko na po yan" inabot nya ang picture nya with autograph na laging nakahanda sa bag nya. "Ah manong pwede na po ba kaming pumasok. Gutom na po kami." putol ko sa pag-uusap nila. Gutom na talaga ako. "Naku mam sorry po talaga kasi 'yung big boss po ang nagpareserved si Mr. Mackenzie po. May meeting po kasi sila dito ng mga stockholders. Sya na kasi ang magiging President ng Makenzie Place." paliwanag ni Manong guard. "Manong sya ba ang anak na galing sa ibang bansa. "yung sinasabi nilang genius pagdating sa business?" tanong ni Marissa. "Yes mam Marissa sya po 'yun" "Tara na Marissa gutom na ako. Sa iba na lang tayo magdinner" yaya ko na kay Marissa . Gutom na talaga ako. Kainis naman 'yang bagong Presidente ng lugar na ito. Kung kailan pa na manlilibre si Marissa tsaka naman naisipang magpameeting. Sayang ang paborito kong pasta. "Sige manong bye" paalam ni Marissa . "Alam mo ba na pogi 'yang si Mr. Mackenzie" sabi ni Marissa sa akin. "Kaya lang pamystery effect kasi ayaw magpalagay ng picture nya sa mga broadsheet at magazine. I wonder kung gaano sya kagwapo.?' "I don't care! Gutom na ako" irritadong sabi ko. Bwisit na Mackenzie yan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD