Chapter 6 Lander's POV Iba ang nararamdaman ko tuwing mahuhuli ko ang asawa kong titingin kay Ramces. May problema na naman kaya? Dalawang nagsasalitang emosyon na ang napapansin ko rito. Ang una ay sa simbahan at kanina bago siya umalis para magpalit, emosyonal ito. At ngayon naman ay parang kaseryosohan. Saan? Hindi ko rin mawari sa ngayon. Hanggang ngayon ay inaalam ko pa rin nang lihim. "Yeah, bayaw, kailangang bumalik ni Ksenia sa Italy." Ang impormasyong iyon mula kay Kuya George ang nagpalingon sa akin sa mga kausap ko. Puro kami lalaki rito at mga chill topics lang ang pinag-uuspan. Halos mga pinsan ni Ksenia ang maugong sa pagkukuwento. Napag-usapan nga namin ang ibang plano ng asawa ko na sa mga ito pa lang niya nasabi. Madalas niyang kakuwentuhan ang mga ito over the phone,

