Chapter 127 Ksenia's POV "Maraming salamat ulit dito, Lander.... Hmmm..." "What do you think? Nagustuhan mo ba? Hindi na kasi ako nakadaan sa lavender farm, eh.... Doon sana ako kukuha ng mga lavender flowers ang kaso na-busy naman tayo at hindi na nakauwi sa Provence..." Tumikhim ito. Iniubo ang hangin sa loob patungo sa nakakuyom niyang kamao. Nate-tense yata siya. Inilibot ko ang paningin pero wala naman akong nakitang dapat niyang ika-tense. Busy na ang mga kasama naming nakikipag-usap sa isa't isa. Ang unang lavender fields nila ay nabili na ulit nila sa mismong pinagbentahan din nila. Ang bahay nila sa Saignon ay pinag-iisipan pa ng bagong may-ari kung ibebenta uli iyon sa kanila. Kaya tuwing napapadaan kami sa Saignon, sa bahay kami lahat tumutuloy. Nagpupunta lang kami roon pa

