Chapter 34 Ksenia's POV Isang pang sasakyan ang paparating ang namataaan ko, sa daan din na pinanggalingan ng naka-park na sasakyan sa malapit. Nga lang, nagtuloy-tuloy lang ito sa pag-arangkada hanggang sa malagpasan niya ang sasakyan at kami. Hindi naman kami mapapansin ng lulan o mga lulan nito dahil narito kami sa tabi kung saan hindi mo makikita o makikilala ang mukha kung manggagaling ka man sa ibaba. Nabusog na ako sa pakikipagkuwentuhan at tawanan sa mag-anak kaya heto na naman ako, bumalik sa walang sawang katitingin sa direksiyong iyon. Hindi ko naman matawagan ang asawa ko dahil kararating pa lang namin dito, pinatay ko na cellphone ko. Lalabas kami at baka magkahapong gugulin ang oras sa pinuntahan kaya ginawa ko na iyon bilang paghahanda. Hindi nga ako nagkamali, matatagala

