Chapter 114 Lander's POV Nasa tabi lang ako ni Ksenia hanggang sa makatulog siya nang mahimbing. Tumayo ako at lumakad papunta sa pinto. Ni-locked ko lahat ng puwedeng i-lock mula rito sa loob nang walang makapasok dito, nang malaya kong magugol ang buong magdamag kasama ang asawa ko nang walang iniisip na magiging aberya. Yeah, asawa ko pa rin si Ksenia... Buhay siya... Void and null ang kasal namin ni Kath kahit saan mo dalhin ito. Ngayon, isang malaking hamon na naman kung papaano ko ipapaliwanag ito sa kaniya, sa pamilya niya at lalong-lalo na sa anak kong si Supreme. Bumalik ako sa kamang kinahihigahan ni Ksenia at nakangiting umupo sa tabi niya. Hindi ko alam kung bakit sobrang gaan pa rin ng lahat sa akin. Tama ako... Makita ko lang ang maganda niyang mukha ay magagawan kong mak

