Chapter 73 Lander’s POV “Lander, ano ang nangyari? Hindi na ba talaga matutuloy ang dinner natin kila Kumareng Amelia?” bungad sa akin ni Mama. Dahil nga sa naabutan ni Ksenia na kalagayan ng Mama niya ay iniatras niya ang planong pag-uusap ng mga pamilya namin. Umuwi naman ako saglit kanina para sabihin kila Mama na hindi matutuloy iyon. Iyon nga lang, hindi ko nabanggit ang rason. Hindi ko naman akalaing hanggang ngayon ay umaasa pa rin siya. “Talagang dapat magkaroon tayo ng dinner kasama ang pamilya nila kasi babalik na ang anak niyang si Ksenia sa Pilipinas. Eh, pasukan na naman doon... Nag-order nga ako ng mga wines and delicacies dito sa Provence para may maidagdag sa mga pasalubong na iuuwi niya sa pamilya niya roon... Nahihiya akong walang maibigay sa batang iyon... Habang nar

