OSWL (BOOK 1) Chapter 107

2774 Words

Chapter 107 Ksenia's POV "You are staring at me... I can feel it..." marahan nitong sinabi sabay hinga at lunok. Kumurap-kurap ako at mas lalo pang isiniksik ang sarili dito sa sulok. Ang mga binti ko ay dikit na dikit sa isa't isa. Ang mga kamay ko ay mahigpit na mahigpit na nakakapit sa laylayan ng palda ko. Gusto ko lang namang sulitin na titigan siya sa mukha nito habang may pagkakataon na hindi niya nakikita na ginagawa ko iyon sa kaniya, pero pati pala sa nakapikit na mga mata nito ay marararamdaman niya ako. Pigil-pigil ko ang mga luha nang yumuko at tumanaw sa labas. Marahan lang ang pag-ikot ng ferries wheel. Hanggang sa ang cabin na kinalalagyan namin ay makarating na rito sa itaas. Mahiwaga ang liwanag na ibinibigay ng kalangitan at ng araw. At kitang-kita mo iyon mula rit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD