Chapter 36 Lander's POV "Mababait po ang mga tao rito. Huwag po kayong mag-alala, Sir. Lumaki po ako rito sa Interlaken kaya mapapatunayan ko iyan. Sa totoo lang, wala naman pong pakialamanan ng buhay rito. Hindi ho gaya sa Pilipinas na maraming mga Marites sa paligid..." Naglalakad na kami ngayon papunta sa bayan ng probinsiya. Dalawang oras din akong natulog kaya nakabawi na rin ako nang kaunting lakas. May laman namang mga pagkain ang refrigerator sa tinutuluyan kong bahay pero tumawag pa rin ako rito at nagpapasama na ngayon sa pagbili ng iba pang ikakarga ko roon. As if magtatagal naman ako rito. Kung may sobra, eh di, da kanila na. Basta gusto kong umalis saglit para makapag-isip-isip habang sinusuyod ang lugar. Sasakyan ko ang ginamit namin at ako rin mismo ang nag-drive hanggan

