OSWL (BOOK 1) Chapter 96

2141 Words

Chapter 96 Lander’s POV After two years... “Lander, hindi ka pa ba gigising diyan? Mamaya ay nariyan na si Kath, hijo!” malakas na sinabi ni Mama. Kalalagitik lang ng pinto pasara pero sinundan niya agad nang mala-kampana niyang bibig. Itinalukbong ang comforter ko sa mukha nang bumukas ang ilaw at ang mga kurtina rito. Pinagbubukas ni Mama ang lahat ng ito nang sunud-sunod. “Hay, naku, anak, kailan mo ba sasanayin ang sarili mo sa buhay mo rito sa US... Magkaiba ang buhay sa Pilipinas at buhay sa France dito sa buhay mo sa US...” sermon niya sa akin habang abala sa pagliligpit ng mga nagkalat na mga gamit dito sa kuwarto ko. Nanatiling nakapikit ang mga mata ko at napapapikit na lang nang mariin tuwing hihirit pataas ang boses niya. “Balita ko, lasing ka na naman daw kagabi... Hijo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD