Chapter 78 Lander’s POV Naiiyak akong nagbaba ng mukha nang tuluyan ko nang hindi makita ang sasakyan nila Ksenia sa malayong banda na iyon. Iyong pakiramdam na unti-unting hinuhugot ang natitirang lakas ko habang tinatanaw ang papaalis na sasakyan ay kaya ko pang remedyuhan pero iyong sakit na nararamdaman ko ngayon dahil sa guilt ay hindi. Ito talaga ang papatay sa akin, eh... Nagmamadali ako tumalikod at lumakad pabalik ng bahay. Ang nasa isip ay ang makarating agad sa kuwarto at magkulong agad sa loob nito. Naramdaman ko pa ang pagsunod ng tingin nina Mama at Papa sa akin bago ako makapasok ng gate. Tila upos na upos akong naupo sa gilid ng kama ko. Iniiwasan kong mapatingin sa bandang balcony pero huli na para sawayin ang sarili. Nakatitig na ako ngayon sa kuwartong katapat, sa ku

