The Obsessed Mother and the Yes Father

1798 Words
ALEXANDRA’S (ALEXANDER) POV ​Akala ko ang pamilya ko na ang pinaka-weird sa mundo. ​Akala ko ang Daddy kong strikto at Mommy kong chill lang ay ang peak ng family drama. Pero mali ako. ​Nung pumasok ako sa mansyon ng mga Ravena, na-realize ko na may mas malala pa pala. ​"Welcome, Alexandra! Oh my God, you are breathtaking!" ​Bungad sa akin ni Tita Miranda Ravena. Ang Mommy ni Deon. ​Naka-suot siya ng silk robe na mukhang mas mahal pa sa tuition fee ko nung college. Ang dami niyang alahas kwintas, hikaw, bracelet para siyang naglalakad na pawnshop. At ang makeup? Full glam kahit nasa bahay lang. ​Hinawakan niya ang mukha ko gamit ang dalawang kamay niyang puno ng singsing. ​"Ang kinis! Ang ganda ng mata! Ang tangos ng ilong!" Pinisil-pisil niya ang pisngi ko na parang dough ng tinapay. "Deon, anak! Bakit ngayon mo lang dinala ang dyosang ito dito?! She looks like a porcelain doll!" ​"Ma, nasasaktan si Alex," sabi ni Deon, pero nakangisi lang ang gago. Hindi man lang ako tinulungan. ​"Tita... uhm... masakit po," sabi ko, pilit na ngumingiti. Gusto ko sanang sabihin, 'Bitaw, Tita. Masasapak kita.' Pero naalala ko, wala akong Junjun kaya wala akong lakas ng loob ngayon. ​"Ay, sorry hija! Na-excite lang ako! Ang tagal na kasing walang dinadalang babae si Deon dito. Puro model na payatot! Ikaw... you have substance!" Tinuro niya ang dibdib ko. "You have assets!" ​Napalunok ako. Assets? Oo, Tita. May asset ako dati. 7 inches. Kaso nawala. ​"Come, come! Dinner is ready!" Hinila ako ni Tita Miranda papunta sa dining room. ​Pagpasok namin, nakaupo na sa kabisera ang Daddy ni Deon. ​Si Tito Rigor Ravena. ​Ang CEO ng Ravena Shipping Lines. Ang kinatatakutan ng lahat sa business world. ​Nakasuot siya ng dark suit. Ang mukha niya, seryoso. Walang emosyon. Parang rebulto. Nakatingin siya sa kawalan habang hinihintay kami. ​"Hon, look who's here! Si Alexandra Valdaramos! Diba ang ganda niya?" tili ni Tita Miranda. ​Dahan-dahang lumingon si Tito Rigor sa akin. Ang tingin niya, parang sinusuri ang kaluluwa ko. Kinabahan ako. Ito ba ang papatay sa akin? ​"Good evening po, Tito," bati ko. Sinubukan kong mag-voice modulation para maging sweet. ​Tumingin si Tito Rigor sa mata ko. At nagsalita siya ng isang salita. ​"Yes." ​Kumunot ang noo ko. Yes? Anong yes? Hindi naman yes-or-no question ang 'Good evening'. ​"Upo na kayo!" utos ni Tita Miranda. ​Umupo ako sa tapat ni Deon. Si Tita Miranda sa kanan, si Tito Rigor sa kabisera. ​Ang handa? Lobster Thermidor. Steak. Caviar. At... Sinigang na Baboy? ​"Nagpaluto ako ng Sinigang kasi sabi ni Deon favorite mo daw ang comfort food!" sabi ni Tita Miranda. "Kain na, hija! Wag kang mahiya!" ​Kumuha ako ng kanin. Kumuha ako ng sinigang. Gutom na ako eh. Wala na akong pake sa diet ng katawan na 'to. ​Habang kumakain, hindi maalis ang tingin ni Tita Miranda sa akin. ​"Alam mo Alex, bagay na bagay kayo ni Deon. Ang ganda ng magiging anak niyo! Siguro yung mata mo, tapos yung height ni Deon. Tapos yung talino ko... at yung yaman ni Rigor! Perfect combination!" ​Muntik na akong mabulunan sa sabaw. ​"Anak?!" sigaw ko. "Tita, teka lang po. Wala pa kaming... uhm... label ni Deon. We are just... frenemies." ​"Frenemies? Uso pa ba 'yun?" Tumawa si Tita. "Rigor, diba bagay sila? Diba gusto mo na rin ng apo?" ​Tumingin ako kay Tito Rigor. ​Nakatitig pa rin siya sa akin. Hindi gumagalaw ang mukha. Hindi kumukurap. ​"Yes," sabi niya. ​Napataas ang kilay ko. ​"Tito, gusto niyo po ng apo?" tanong ko. ​"Yes." ​"Kahit maging kamukha ko?" ​"Yes." ​"Kahit maging kamukha ng aso namin?" ​"Yes." ​Napatigil ako. Ha? ​Tumingin ako kay Deon. Busy siya sa paghihimay ng lobster. Parang wala siyang naririnig. ​"Deon," bulong ko sabay sipa sa paa niya sa ilalim ng mesa. "Anyare sa tatay mo? Naka-auto pilot ba?" ​Ngumisi lang si Deon. "Just eat, Alex. Don't mind him." ​Pero hindi ako mapakali. Curiosity kills the cat, but excitement fuels the Hunter. Kailangan kong malaman kung sira ulo ba ang tatay niya. ​Humarap ako ulit kay Tito Rigor. ​"Tito," sabi ko. "Masarap po ba ang ulam?" ​"Yes." ​"Tito, kayo po ba ang pumatay kay Lapu-Lapu?" ​"Yes." ​"Tito, alien po ba kayo na nagpapanggap na tao para sakupin ang Earth?" ​Silence. Tumigil si Tita Miranda sa pagkain. Tumigil si Deon. ​Tumingin si Tito Rigor sa akin. Very intense. ​"Yes." ​NANLAKI ANG MATA KO. ​"Sabi na eh!" sigaw ko sabay tayo. "Alien siya! Deon! Alien ang tatay mo! Kaya pala ang weird mo!" ​Biglang humalakhak si Tita Miranda. "Oh, Alexandra! You are so funny! Rigor just likes to agree to everything to keep the peace. Diba, Hon?" ​"Yes," sagot ni Tito Rigor. ​Napaupo ako. What the hell is happening? ​"Alam mo hija," patuloy ni Tita Miranda, "Gusto ko ang personality mo. Palaban! Hindi tulad nung ex ni Deon na si Nicole. Iyakin 'yun. Ikaw, parang barumbado pero class! I like that energy! Para kang lalaki mag-isip!" ​Bingo, Tita. Kung alam mo lang. ​"Actually po, Tita," singit ko. "Medyo boyish po talaga ako. Mahilig ako sa cars, sa basketball, at sa... sa magagandang babae." ​Tinignan ko si Deon nang makahulugan. Take that. ​Pero hindi natinag si Tita. "Really?! That's amazing! Modern woman! Open-minded! Rigor, diba okay lang sa'yo na boyish ang magiging daughter-in-law natin?" ​"Yes." ​"See?!" Pumalakpak si Tita. "Approved na approved ka! So kailan ang kasal?" ​"KASAL AGAD?!" ​"Syempre! We are merging companies, darling! Valdaramos Group plus Ravena Shipping equals World Domination! At kailangan ng tagapagmana!" ​Tumingin si Tita sa tiyan ko. ​"Malusog naman ang matris mo diba?" ​Napahawak ako sa puson ko. ​"Tita... actually... dinudugo po ako ngayon. So confirmed, gumagana siya. Pero masakit. Sobra." ​"That's great news!" tili ni Tita. "Fertile! Deon, anak, kapag tapos na ang red days niya, alam mo na ang gagawin ha?" ​Nasamid si Deon sa iniinom niyang wine. Uhuk. Uhuk. ​Namula ang mukha ni Deon. For the first time, nakita ko siyang nawalan ng composure. ​"Ma! Stop it!" saway ni Deon. ​"Bakit? Masama bang mag-remind? Apo lang ang hiling ko! Rigor, diba gusto mo na ng apo sa Pasko?" ​"Yes." ​"Tito! April pa lang ngayon! Pasko agad?!" reklamo ko. ​"Yes." ​Sumakit ang ulo ko. I need to escape. This house is a asylum. ​"Excuse me po," paalam ko sabay tayo. "CR lang po. I need to change my... you know. The bread." ​"The bread?" tanong ni Tita. ​"The napkin po. Bread of life." ​Tumakbo ako palabas ng dining room. ​ ​Pagpasok ko sa CR ng guest room, ni-lock ko agad ang pinto. ​Sumandal ako sa pinto at huminga nang malalim. ​"Grabeng pamilya 'to," bulong ko. "Yung nanay, obsessed sa matris ko. Yung tatay, sirang plaka. At si Deon..." ​Tumingin ako sa salamin. ​"...si Deon, mukhang nag-e-enjoy na pinapahirapan ako." ​Inayos ko ang jersey ko. "Kaya mo 'to, Alexander. Konting tiis na lang. Pagkatapos nito, uuwi ka na at maglalaro ng PS5." ​Biglang may kumatok. ​Tok. Tok. ​"Occupied!" sigaw ko. "Nagpapalit ng bread!" ​"Alex. Open up." ​Boses ni Deon. ​"Ayoko! Manyak ka! Baka anong gawin mo sa akin!" ​"Buksan mo, or I will use the spare key. This is my house, remember?" ​Bwisit. ​Binuksan ko ang pinto nang konti. Nakasilip lang ang mata ko. ​"Ano?" ​Tinulak ni Deon ang pinto at pumasok. Ni-lock niya ulit sa likod niya. ​"Hoy! Anong ginagawa mo?! Bawal dito! Nasa labas parents mo!" ​Sinarado ko ang toilet lid at umupo dun. Defensive position. ​Lumapit si Deon. Nakatayo siya sa harap ko, nakapamulsa. Ang bango niya talaga, leche. Amoy expensive mistakes. ​"My mom likes you," sabi niya. ​"Your mom is crazy. And your dad is a robot." ​Tumawa si Deon nang mahina. "Yeah. Dad had a stroke last year. It affected his speech center. He can understand everything, but he can mostly just say 'Yes' or 'No'. But he prefers 'Yes' because it makes Mom happy." ​Natigilan ako. ​Shit. Stroke pala. Kala ko alien. Ang sama ng ugali ko! Tinanong ko pa kung siya pumatay kay Lapu-Lapu! ​"Oh..." Napayuko ako. "Sorry. Di ko alam. Akala ko trippings lang niya." ​"It's fine. He actually finds you amusing. I saw him smile earlier when you asked about the alien thing." ​Lumapit pa lalo si Deon. Yumuko siya para maging level ng mukha ko. ​Hinawakan niya ang tuhod ko (na nakabukaka na naman). ​"Alex," bulong niya. ​"Ano?" Kinabahan ako. Ang lapit ng mukha niya. ​"About the marriage thing..." ​"Deon, please. Wag mong sabihing papatol ka sa gusto ng nanay mo? Bakla ako—este, boyish ako! Hindi tayo talo!" ​Ngumisi si Deon. Hinaplos niya ang hita ko pataas. ​"Are you sure about that?" ​Tinitigan niya ako sa mata. Yung titig na nakakatunaw. ​"Because earlier, when you were eating that sinigang like a construction worker... I found myself thinking..." ​Nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko. ​"...that I wouldn't mind taming you." ​Kinilabutan ako. Mula ulo hanggang paa. Tumayo ang balahibo ko. Bumilis ang t***k ng puso ko. ​At ang mas malala... ​Parang uminit ang pakiramdam ko sa ibaba. ​NO. HINDI PWEDE. LALAKI AKO! HINDI AKO PWEDENG KILIGIN SA KAPWA KO LALAKI! ​Tinulak ko siya. Malakas. ​"Tumigil ka nga!" sigaw ko, sabay tayo. "Kadiri ka! Taming-taming ka pa dyan! Ano ako, kabayo?!" ​"Maybe," sagot niya, hindi natinag. "A wild one." ​"Bahala ka sa buhay mo! Uuwi na ako! Sabihin mo sa Daddy mo... YES, uuwi na ako!" ​Binuksan ko ang pinto at tumakbo palabas. ​Iniwan ko si Deon sa CR na tumatawa. ​Paglabas ko ng bahay, sumakay ako sa pink na Honda Jazz. Nanginginig ang kamay ko habang sinususian ang kotse. ​"f**k," bulong ko sa sarili ko. "f**k, f**k, fuck." ​Tumingin ako sa rearview mirror. ​Namumula ang mukha ko. ​"Alexander Valdaramos..." sabi ko sa repleksyon ko. "Wag mong sabihing... nagugustuhan mo na siya?" ​Sinampal ko ang sarili ko. ​"HINDI! NEVER! BABAE PA RIN ANG GUSTO KO! BABAE!" ​Pero habang nagmamaneho ako pauwi, ang nasa isip ko... ay ang amoy ni Deon. At ang boses niyang nagsasabing 'I wouldn't mind taming you.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD