ALEXANDRA’S (ALEXANDER) POV
May tawag ang mga lalaki sa nararamdaman mo pagkatapos mong... alam mo na.
Post-Nut Clarity.
Ito yung moment na biglang lilinaw ang isip mo. Mawawala ang libog. At mapapalitan ng matinding pagsisisi. Mapapaisip ka, "Bakit ko pinanood yun? Bakit ko ginawa yun? Kadiri ako."
Pero iba pala ang Post-Nut Clarity ng babae.
Pagkagising ko, hindi lang pagsisisi ang naramdaman ko. Naramdaman ko ang hiya.
Pagbangon ko, naalala ko agad ang mukha ni Deon. Ang boses ni Deon. At kung paano ko sinigaw (sa isip ko) ang pangalan niya habang nanginginig ang buong katawan ko kagabi.
"f**k," bulong ko sa unan. "Hindi ko siya kayang harapin. Hindi ngayon. Hindi kailanman."
Pero tadhana nga naman, sadyang mapaglaro.
Bumukas ang pinto at pumasok si Daddy. Naka-suit. Mukhang CEO mode.
"Alexandra! Get up! You're late!"
"Late saan, Dad? Grounded ako diba?"
"Yes, but grounded ka sa trabaho. Today is the Board Meeting regarding the merger with Ravena Shipping. Ikaw ang magpe-present ng proposal ng Valdaramos Group."
Nanlaki ang mata ko. "Ako?! Dad, alam mo naman na ang alam ko lang sa business ay kung paano gastusin ang pera mo!"
"Wala akong pakialam. You represent this family. Magbihis ka na. Wear something authoritative. Yung mukhang boss."
Lumabas si Daddy.
Napahawak ako sa noo ko.
Meeting.
Merger.
Ravena Shipping.
Ibig sabihin... nandoon si Deon.
At nandoon din ang traydor kong katawan na nag-imagine sa kanya kagabi.
Sinabi ni Dad na magsuot ako ng "Authoritative."
Naghalungkat ako sa closet.
Blazer? Check.
White blouse? Check.
Pencil skirt? ...Check?
Sinuot ko ang pencil skirt. Kulay itim. High waist.
"Putek," reklamo ko habang hinihila pataas ang skirt. "Bakit ba ang sikip ng mga damit ng babae?! Para akong suman!"
Pagkasuot ko, tinignan ko ang sarili ko sa salamin.
Ang skirt ay sobrang fit na hugging na hugging sa balakang at pwetan ko. Kapag gumagalaw ako, parang mapupunit.
"Paano ako maglalakad nito? Hakbang-manok?"
Sinubukan kong humakbang.
Twing.
Ang liit ng hakbang!
"Okay, power walk cancelled. Penguin walk activated."
Naglagay ako ng lotion sa binti at braso ko. Yung Cocoa Butter na ginamit ko kagabi. (Sayang naman kasi kung bibili pa ako ng bago, tsaka ito lang ang available sa vanity table).
Pagkalagay ko, naamoy ko ang sarili ko.
Amoy cookies. Amoy chocolate. Amoy... kasalanan.
"Bahala na. Amoy mabango naman."
Sinuot ko ang stilletos ko (tiis-ganda ulit) at bumaba.
THE VALDARAMOS HQ
Pagdating namin sa Valdaramos Tower, pinagtitinginan ako ng mga empleyado.
Naka-shades ako. Naka-blazer. At naglalakad nang mabilis (kahit penguin steps) habang hawak ang isang folder na wala namang laman kundi drawings ng angry birds.
"Good morning, Ms. Alexandra," bati ng guard.
Tumango lang ako. Chin up.
Pagpasok sa elevator, tinanggal ko ang shades ko.
Nakita ko ang repleksyon ko.
Mukha akong kontrabida sa teleserye. Yung tipong sasabuyan ng tubig sa mukha ng bida.
"Kaya mo 'to, Alex. Lalaki ka sa loob. Ipakita mo sa kanila kung sino ang Boss."
Bumukas ang elevator sa top floor. The Boardroom.
Nandoon na silang lahat.
Ang mga Board Members—puro matatandang lalaki na amoy lupa at tabako.
Si Daddy, nasa kabisera.
At sa kabilang side...
Si Tito Rigor (na nakatitig sa pader).
At si Deon.
Naka-navy blue suit si Deon. Ang linis tignan. Ang gwapo.
Pagpasok ko, lumingon siya.
Nagkatinginan kami.
Biglang nag-flashback sa utak ko yung nangyari kagabi.
ZAP!
Uminit ang pisngi ko. Umiwas ako ng tingin.
"Good morning, gentlemen," bati ko, trying to sound professional.
"Good morning, Hija," sabi ni Mr. Go, isa sa mga board members na matagal nang epal sa buhay ko. "Have a seat. We were just discussing how... inexperienced you are."
Aba. Inumpisahan agad ako ng matanda.
Umupo ako sa tabi ni Daddy. Sa tapat ko, si Deon.
"Inexperienced?" sagot ko, nakataas ang kilay. "Mr. Go, I may be young, but I know this company better than your wig knows your scalp."
Natahimik ang buong room.
Napahawak si Mr. Go sa buhok niya. (Toupee nga!).
Nakita kong ngumisi si Deon. Nagtakip siya ng bibig para itago ang tawa.
"Ehem," sabi ni Daddy. "Let's proceed. Deon, you have the floor."
Tumayo si Deon. Naglakad siya papunta sa projector.
Nag-start siyang mag-present tungkol sa logistics routes at shipping efficiency.
Ang galing niya magsalita. Confident. Smart.
Pero hindi ako makapag-focus sa graphs.
Naka-focus ako sa... kanya.
Sa kamay niya habang tinuturo ang screen. (Yung kamay na hinawakan ang tuhod ko).
Sa boses niya. (Yung boses na bumulong sa akin sa CR).
Alex! Focus! Pie chart! Tignan mo ang pie chart! Wag ang hotdog!
"And that connects to the Valdaramos distribution network," sabi ni Deon. Tumingin siya sa akin. "Miss Alexandra? Do you agree?"
Nagulat ako. "Ha? Ah... yes. Yes, definitely."
"Do you have any inputs regarding the fuel surcharge?" tanong niya. Sinusubukan niya ako.
Tumingin ako sa board. Fuel surcharge. Alam ko 'to. Mahilig ako sa kotse eh.
"Actually," sabi ko, tumayo ako. "The fuel surcharge is bullshit este, unreasonable. If we use the new routes via Batangas Port, we cut travel time by 20%. Less fuel, less cost. Bakit pa tayo magdadagdag ng charge kung pwede naman nating i-optimize ang routes?"
Natahimik silang lahat.
Gulat na gulat si Daddy.
Gulat na gulat si Mr. Go.
Deon looked at me. Impressed.
"You... you know about the Batangas route?"
"Syempre. Nag-roadtrip ako dun last week I mean, inaral ko ang maps." (Palusot. Nag-racing kami dun nila Franco dati).
"Impressive," sabi ni Deon. "I agree with her. The lady has a point."
Pagkaupo ko, feeling ko ang taas ng level ko.
Level Up! Intelligence +10.
Pero pagkaupo ko, biglang lumapit si Deon.
Umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko (imbes na bumalik sa pwesto niya).
"Good job," bulong niya.
"Thanks," sagot ko, hindi tumitingin sa kanya.
Sumandal siya palapit sa akin.
Tapos...
Suminghot siya.
Sniff. Sniff.
Kinabahan ako. "Anong ginagawa mo?"
"You smell..."
Huminto siya. Lumapit pa lalo. Halos dumikit ang ilong niya sa leeg ko.
"...familiar."
Nanigas ako.
Amoy Cocoa Butter ako.
Amoy cookies.
"Amoy... amoy Cocoa Butter," bulong niya.
Napalunok ako.
"So? Lotion ko 'yan. Pake mo?"
Ngumisi si Deon. Yung ngising nakakaloko.
"Really? Kasi kagabi... I was watching this video online. Randomly. About... self-care."
Tumingin siya sa mata ko.
"And the girl in the video recommended Cocoa Butter explicitly. Sabi niya, it's the best lubricant for... solo sessions."
NANLAKI ANG MATA KO.
ALAM NIYA?!
NAPANOOD NIYA YUNG VIDEO NA PINANOOD KO?!
"H-hindi ko alam pinagsasasabi mo!" defensive na sagot ko. "Pahingi ngang tubig!"
Kinuha ko ang baso ng tubig at ininom nang mabilis.
Pero dahil nanginginig ang kamay ko, natapon ang tubig.
Splash.
Natapon sa puting blouse ko.
Sa dibdib.
Bumakat ang... bra ko. Black lace bra.
"s**t!" sigaw ko.
Natahimik ang boardroom. Lahat sila nakatingin sa basang blouse ko.
Si Mr. Go, nanlaki ang mata.
Mabilis na kumilos si Deon.
Hinubad niya ang coat niya at ipinatong sa balikat ko para takpan ako.
"Gentlemen," sabi ni Deon sa malakas na boses. "Meeting adjourned. My partner needs to change."
Hinawakan niya ako sa siko at hinila palabas ng boardroom.
THE ELEVATOR CONFESSION
Pagpasok namin sa elevator, kaming dalawa lang.
Sinarado ni Deon ang pinto.
Nakasandal ako sa dingding, balot ng coat niya. Basang-basa ang blouse ko sa loob.
Hingal na hingal ako sa kaba at hiya.
"You okay?" tanong niya.
"Okay lang ako!" sigaw ko. "Bakit ba ang malas ko?! Bakit laging may natatapon?! Bakit laging basa?!"
Napatingin si Deon sa akin.
May dumaang something sa mata niya.
"Laging basa?" ulit niya.
"Yung tubig! Yung tubig ang ibig kong sabihin!"
Lumapit siya sa akin. Kinulong niya ako sa pagitan ng mga braso niya.
The classic Kabedon move.
"Alex," sabi niya. "You act tough. You act like a man. You curse like a sailor."
Nilapit niya ang mukha niya.
"Pero bakit pagdating sa akin... you tremble?"
Tinitigan ko siya.
Ang lapit.
Gusto ko siyang sapakin.
Gusto ko siyang halikan.
"Hindi ako nanginginig," matapang na sagot ko. "Nilalamig lang ako."
"Nilalamig?"
Hinawakan niya ang kamay ko.
"Your hands are sweating. And your scent..."
Inamoy niya ulit ang leeg ko.
"...is driving me crazy. That sweet, cocoa butter scent."
Bumulong siya sa tenga ko.
"Did you think of me last night? While wearing this scent?"
Natigil ang mundo ko.
Huli.
Huli na ako.
Bistado na ang Apex Predator.
Hindi ako nakasagot.
Ang tanging nagawa ko lang ay tumingin sa kanya nang may halong takot at... pagnanasa.
Ding!
Bumukas ang elevator. Ground floor.
Nasa labas ang mga empleyado.
Nagulat sila sa posisyon namin.
Si Deon, nakakulong sa akin.
Ako, balot ng coat niya, namumula.
Lumayo agad si Deon. Inayos niya ang necktie niya.
Bumalik ang cool composure niya.
"I'll see you later, Alexandra," sabi niya, sabay kindat. "Magpalit ka na. Baka sipunin ka."
Lumabas siya ng elevator at naglakad palayo.
Naiwan akong nakatayo sa loob.
Ang mga empleyado, nakatingin sa akin.
"Miss Alex..." sabi nung janitor. "Okay lang po kayo?"
Napahawak ako sa coat ni Deon na suot ko. Amoy na amoy ko siya.
"Hindi," sagot ko. "Hindi ako okay. I think... I think I'm in trouble."
Dahil sa gabing iyon, napatunayan ko ang isang bagay:
Hindi lang ako basta natalo sa negosasyon.
Natalo ako sa laro ng Seduction.
At ang Cocoa Butter?
Isusumpa ko na ang lotion na 'yan habambuhay.