THE DINNER was awkward for Moana. Ni hindi niya magawang mag-angat ng tingin kay Sley na ngayon ay nakaupo na sa tabi ni Monina. Nasasaktan siya kapag nakikita niyang magkatabi ang dalawa. Hindi niya maiwasang isipin na siya dapat ang nasa puwesto ng kanyang kapatid. "I'm glad you made it here, hijo," tuwang-tuwang sabi ng kanyang ama. "By the way, this is Monina's twin sister, Moana." Nagbilang nang tatlo sa isip si Moana bago nag-angat ng tingin kay Sley. Nang magtama ang kanilang mga mata, wala siyang nakitang emosyon sa guwapo nitong mukha. There were no recognition and warmth in his eyes, unlike in the past. It seemed he was staring back at a stranger. Well, ngayon lang naman niya nakilala si "Moana" kaya talagang stranger ka sa kanya. Pilit siyang ngumiti kahit ang totoo ay gusto n

