1

1436 Words
"ANAK, 'diba huling linggo ninyo na ito sa eskwela at bakasyon na?" Tumango ako sa tanong ng ina nang pagkapasok ko palang sa aming bakuran at sinalubong niya ako sa mumunti naming teresa. "Opo, ma." magalang kong sagot sabay upo sa ratan na upuan at tinanggal ang backpack ko. Kadarating ko lamang mula sa eskwela dahil katatapos lang ng aming klase. Totoo iyon. Miyerkules na ngayon sa huling linggo ng March at may dalawang natitirang araw nalang kaming pasok sa eskwelahan bago tuluyang magbakasyon para sa summer. "Anak, pupunta tayong Gensan next week, since summer vacation ninyo naman na." "Talaga po, ma?" gumuhit ang saya at excitement mula sa akin. "Magbabakasyon po tayo sa Gensan?" Ngumiti si mama. "Oo, anak pero..." Nakita ko ang pagguhit ng alinlangan sa kanya sa susunod na sasabihin. Para bang may gusto siyang sabihin o ipagtapat sa akin pero nauunahan siya ng alinlangan. "Pero ano po, ma?" "Hindi na siguro tayo makakabalik dito sa bario Sta. Cruz, anak." Nagulat ako. "Ha? Bakit naman po, ma?" "Ang totoo kasi niyan, anak, may ipagtatapat ako sayo..." Kinabahan ako... gayunpama'y handa akong makinig. "Makikinig po ako, mama." "Anak, alam mo namang magtatatlong taon na magmula nang mamatay ang papa mo 'diba?" hinay-hinay at maingat na pagbubukas niya ng topiko. Marahan akong tumango. "Opo, ma." "Alam mo namang kung gaano akong nagluksa no'ng mga panahong wala na siya 'diba? Kasi mahal na mahal ko ang papa mo, Irryn..." nabasag sa lungkot ang kanyang boses. Nakakaintinding tumango pa rin ako. Kapag napapag-usapan namin si papa, hindi ko maiwasang maawa kay mama dahil mahal na mahal niya ang nauna at nagiging emosyunal siya. "Alam ko po 'yon." "Anak, naisip ko lang kasi na tatlong taon na rin naman tayong nagdurusa at nagluluksa, hindi ba't panahon na rin siguro para magbagong buhay tayo? Hindi ko sinasabing kalilimutan natin ang alaala ng papa mo, ang sa akin lang ay magsimula na tayo ng panibagong buhay na tanggap na nating wala na siya..." "Matagal ko na pong tanggap, mama. Ang inaalala ko nga'y kayo, tanggap n'yo na rin po ba?" "Tanggap ko na rin, anak. Ngayong alam ko nang tanggap mo na, siguro'y hindi ka naman magagalit kapag sinabi ko sayo na..." "Na?" "Kapag..." "Ma, diretsuhin n'yo na po ako at sabihin sa akin ang nais ninyong sabihin. Para n'yo akong tinu-torture sa suspense!" "Ah, anak, kasi ang totoo niyan balak ko nang mag-asawa sana ulit..." Nagulat ako at hindi kaagad ako nakapagsalita. Alam ko naman kanina palang na may nais talagang sabihin at ipagtapat ang ina ko sa mga ikinikilos palang niya pero wala akong ideya na tungkol pala ito sa pag-aasawa niya ulit. "Ah, 'yan ay kung ayos lang naman sayo, anak at kung aprubado mo." kaagad niyang bawi. "Pero kung hindi at sabihin mong ayaw mo na ulit akong mag-asawa, ayos lang din naman sa akin." Agaran akong umiling at marahang hinawakan ang kamay niya. "Ma, nabigla lang po ako pero wala naman po akong sinabing ayoko at hindi ko kayo papayagan." Hindi makapaniwalang tinitigan niya ako. "Ang ibig mong sabihin, anak-" Ngumiti ako at tumango. "Kung 'yon ba naman ang makakapagpasaya sa inyo ulit, mama, bakit ko naman kayo pipigilan 'diba? After all, you've been the best mother to me ever since... kahit no'ng mawala si papa, never ninyo akong pinabayaan." Totoo 'yon. Kahit no'ng mawala ang papa, hinding-hindi pa rin ako pinabayaan ng mama. Nagluksa man siya at nagdusa sa sakit ng pagkawala ng pinakamamahal, pilit pa rin siyang nagpakatatag para mairaos ako at ipadama sa akin na kahit wala na ang ama ay nandiyan pa rin naman siya na handang magmahal at sumuporta sa akin. Inspite of her loneliness, she never let me feel alone. "Anak..." maluha-luha siya sa saya. Tumango-tango ako habang nakangiti, giving her my wholehearted approval. "It's time for you to be happy again, mama, at hindi ko ipagkakait 'yon sa inyo kagaya no'ng hindi rin ninyo pagkakait sa akin ng karamay noong sobra akong nasasaktan sa pagkawala sa atin ni papa at pagiging mabuti mong ina sa akin..." Kung ito ang makakapagpasaya sa kanya, ang muling mag-asawa, hinding-hindi ko 'yon ipagkakait. After all, she deserves to be happy again after the heartbreak of losing my father and still being a good mother to me fulfilling all her duties just to make sure we will be both fine. "Ang kundisyon ko lang, ikwento ninyo sa akin ngayon kung sino itong balak ninyong pag-alayan ulit ng inyong buhay, ma. Kung saan n'yo po s'ya nakilala, kung saan n'yo s'ya unang nakita, kung saan s'ya nagtatrabaho at kung anong klaseng tao siya. Gusto kong makasigurong mabuting tao at may mabuting kalooban ang bagong lalaking papapasukin ninyo sa buhay natin, ma." Sunod-sunod na tumango at ngumiti si mama. "Wag kang mag-alala, anak. Nasisigurado kong mabuting tao si Alanson..." "Alanson ang kanyang pangalan, ma?" "Oo, Irryn. Alanson Ciar Lamont. Biyudo rin siya at may mga anak na rin sa nawala niyang asawa." Tunog palang ng pangalan, may kutob akong may sinasabi sa buhay ang lalaking nagugustuhan ng mama ngayon. "Nakilala ko siya no'ng sumama minsan ako no'ng nakaraang taon sa pagdadala ng mga panahi sa factory ng mga tela sa Siyudad, anak. 'Yon din ang unang beses na nakita ko siya, na nakita namin ni Alanson ang isa't-isa..." Tumango ako kay mama, nakakasunod sa kanyang kwento at nais pa na magpatuloy siya. She's a tailor. Isa sa mga magagaling na mananahi dito sa isang branch ng pabrika ng patahian ng mga damit sa aming bario Sta. Cruz. "Magmula no'ng araw na 'yon, tiyempo rin na sunod-sunod ang mga linggong pinadadala kami ng mga kasama kong mananahi sa Siyudad para sa pagtulong sa pagdadala roon ng mga tinahi naming mga damit. Nagkukulang kasi ng mga tao minsan dahil kung hindi may sakit, absent o kaya nama'y umaalis 'yong iba kaya kami na muna ang pinadadala." "Doon na rin kayo madalas na nagkikita?" Tumango ang mama. "Oo, anak. Tiyempo kasing kapag pumupunta kami roon sa factory sa Siyudad ay naroon din siya para sa pagkuha ng mga order niyang ini-export para sa sarili naman niyang clothing business." Sabi ko na nga ba, may sinasabi sa buhay ang bagong kinagigiliwan ni mama. Wala naman akong kaso sa taong may kaya at mas lalong wala akong interes sa kung anong yaman nila, ang hindi ko lang mawari ay ang pag-aalalang baka mapagmata ang pamilya nito... May kaya sila... kami ay wala, may simpleng pamumuhay lamang mula sa maliit na kinikita ni mama sa pagtatahi sapat na para tustusan ang pag-aaral ko sa pampublikong sekondarya dito sa aming bario at pangtustos namin sa pang-araw-araw na gastusin. Ayokong maging judgmental dahil hindi ko pa naman nakikita yung mga tao, 'yong Alanson na sinasabi ni mama at mga anak nito pero hindi ko rin maiwasang pangunahan ng pangamba na baka hindi kami matanggap ng pamilya ng mga ito, na baka matahin kami dahil sa simpleng pamumuhay namin ng mama. "Simula no'n, nagkamabutihan kami, anak. Nagkikita kami at nagkakausap habang unti-unti na ring nahuhulog ang loob namin sa isa't-isa. Patawarin mo ako, Irryn anak, kung hindi ko kaagad sinabi at pinagtapat sayo." "Naiintindihan ko naman po, mama." agaran kong sagot. Hindi ako nagdaramdam. Naiintindihan kong inuunahan lang siya ng takot noon kaya hindi niya nagawang ipagtapat kaagad sa akin ang tungkol dito kasi akala niya hindi ko matatanggap at hindi ako papayag. I understand that she always considers what would I feel towards her choices and decisions. Ang pagiging mabait niyang ina ang isa pang dahilan kung bakit ayokong ipagkait sa kanya ang panibagong kaligayahan sa piling ng panibago niyang pag-ibig. "Aaminin kong may kaya sa buhay sina Alanson, anak. May tatlo iba-iba siyang malalaking business pero hindi iyon ang habol ko kaya gusto ko siyang makasama kundi dahil inaalala kita. Hindi na 'ko bumabata, anak, at kailangan ko na rin ng makakatuwang sa buhay para mas maalagaan kang maigi at maibigay sayo ang mga pangangailangan mo lalo pa't ngayong isang taon nalang ay magkokolehiyo ka na rin." "Oh, mama!" nayakap ko ang ina. Hanggang sa pagdedesisyon ba naman para sa sariling kaligayahan ay ako pa rin ang inaalala niya! "Wag n'yo na po akong alalahanin. I'll be fine and I'll be alright. Maggi-grade 12 na 'ko this coming June at kaya ko na po ang sarili ko. Ang alalahanin ninyo ay ang sarili ninyo, ma. Talaga bang sigurado ka na sa bagong pag-ibig na ito at sasaya ka rito, ma?" Tumango siya. "Oo, anak. Sigurado na 'ko kay Alanson at alam kong sasaya ako sa kanya. Sa kanya ko lamang muli naramdaman ang pag-ibig at pagtinging inaalay ko noon sa papa mo..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD