"HINDI ka makakarating, Lev?" bagsak ang balikat at malungkot kong tanong kay Lieven.
"Oo, pasensya ka na, Nat. Masakit talaga tiyan ko eh." malumanay at masuyo niyang sinabi.
Lieven is my current MU and soon to be my boyfriend. Ang lalaking tanging minahal ko at patuloy kong mamahalin.
"Sige, sasabihan ko nalang si Eden na hindi ka makakasama sa amin."
"Pasensya ka na talaga, Nat."
"Okay lang, nando'n naman si Eden. Pagaling ka diyan ha? Saka pahinga ka ng maigi." maalalahanin kong pahayag saka magaang ngumiti.
Dinig ko rin ang pagngiti niya mula sa kabilang linya. "Opo, mom!"
Marahang natawa ako. "Syea. Sige na. Bye, Lev!"
"Bye, Natasya!"
Tamang-tamang pagkatapos ng tawag nakarating ako sa harap ng restaurant kung saan makikipagkita at makikipag-breakfast ako kasama ang kaibigan ko, na kasama din sana si Lieven pero hindi makakarating dahil masakit ang tiyan.
Ipinarada ko sa parking space ang sasakyan at bumaba na. Diretso ako hanggang sa sliding door at diretso ang pasok sa loob ng resto.
"Nati!" tawag sa akin ng kaibigan kong si Eden.
Kumakaway siya sa akin. Nginitian ko at kinawayan din tapos dumiretso na ako sa table kung saan siya pumuwesto.
Sinalubong niya ako ng beso.
"Kanina ka pa, Den?" I asked her.
We both sat down.
"Uhm, hindi naman slight lang."
Tumango ako.
May pumuntang waiter sa amin para kuhanin ang order namin kaya pumili kami ng breakfast meal.
"Anyways, nasa'n na pala ka-MU mo, sis?" tanong niya habang hinihintay ang order namin.
"Hindi raw makakarating eh, masakit ang tiyan."
"Weh? Talaga lang ha?" duda at hindi siya naniniwala.
Simula high school, best friend ko na itong si Eden at kahit hanggang ngayong may kanya-kanya na kaming mga trabaho.
Simula din sa umpisa, alam kong hindi na ito boto kay Lieven para sa akin.
"Oo, Den. Maniwala ka."
May iminuwestra siya sa kanyang iPhone tapos may ipinakitang litrato sa akin.
Nagulat ako nang makita si Lieven kasama ang ex-girlfriend nitong si Farah na mukhang kapwa nag-jogging ng magkasama ang dalawa.
"Ganito ba ang masakit ang tiyan? Nagjo-jogging kasama ng ex-girlfriend!" sarkastiko siyang tumawa.
Hindi ako nakapagsalita... Bumigat bigla ang loob ko... Si Lieven, kasama na naman ang ex niyang si Farah. And he made an excuse of getting sick not to be here just to jog with that girl!
"Post 'to ni Farah just 30 minutes ago. Read the caption, girl."
Binigay ni Eden sa akin ang phone niya para basahin ang caption ng post ni Farah sa i********:.
Jogging with him ❤ #Enjoy #HappyTogether ?
"See? Masakit ang tiyan ni Lieven niyan ha kaya hindi makakarating dito pero nagawa pang makapag-jogging with Farah!"
Hindi pa rin ako nakapagsalita... I feel so hurt, and offended at the same time!
Alam ko naman talaga eh, ramdam ko... Lieven's not yet over with his ex-girlfriend. Four years din silang naging magkarelasyon ni Farah noon kaya alam kong hindi ko pa basta-bastang mapapalitan ang lugar ng babae sa puso niya. Sabagay, ano nga lang naman ba ang laban ng two months mutual understanding sa four years nilang pinagsamahan!
"Alam mo, girl, hindi talaga kita maintindihan sa pagpapakatanga-tangahan at pagmamartyr-martyran mo diyan kay Lieven! I mean, ang dami namang iba mula noon hanggang ngayon ang mga nagpaparamdam at nagpapapansin sayo pero do'n pa rin talaga sa lalaking 'yon ka dead na dead!" ayan na naman sa panenermon ang nanay ko, este ang kaibigan ko pala!
Maging ako din naman sa sarili ko eh, hindi ko maintindihan kung bakit si Lieven lang talaga... si Lieven lang palagi at siya lang ang nakikita ko.
First year college kami ni Eden tandang-tanda ko pa at second year naman si Lieven nu'n no'ng una kong makilala at minahal ang lalaki. It's a long story to be told, pero basta! Kahit may girlfriend siya noon, parati pa rin akong umaasa at naghihintay.
Lagi akong naghihintay na baka kapag nagsawa siya o napagod siya sa karelasyon, mapansin at makita din niya ako. Na mamahalin din niya ako...
"Baka naman totoong masakit talaga ang tiyan, Den... Baka nagkataon lang na nagkita silang dalawa sa kung saan tapos nag-picture pero hindi naman siguro niya intensyong magsinungaling sa akin." I still defended Lieven.
"Naku, tigil-tigilan mo nga ako diyan sa sakit-sakit na 'yan ha! Sige, sabihin na nga nating baka nagkataon lang na nagkita sila ni Farah tapos nag-selfie ng magkasama... But the thought that his stomach is not feeling well, pero nakapag-jogging? Oh come on, that's pathetic, Natasya!"
She's indeed right. Pa'no nga naman makakapag-jogging ang taong masakit ang tiyan... Masakit siguro ang ulo, mas kapani-paniwala pa pero tiyan? Well, lokohin na natin lahat 'wag lang 'tong si Eden!
"Alam mo, sis... Lokohin na ni Lieven lahat ng tao sa mundo, lalong-lalo ka na pero ako? Nah. Hindi niya ako maloloko. Masakit ang tiyan pero nakapag-jogging? Come on, I'm not so fool to believe that excuse!"
See? Exactly my point!
Two months ago, Lieven and Farah broke up after four years of relationship. Ginamit ko kaagad yung pagkakataong 'yon para tuluyang mapansin ng binata.
It was indeed a desperate move but what could I do? Four years na rin akong naghihintay at umaasa sa kanya kaya ngayong pwede na't malaya na ulit siya, gagamitin ko nang pagkakataon 'to para tuluyang mapasa akin ang puso niya.
I'll do everything... everything that it takes to get him and make him love me!
"Bagay nga talaga sa kanya pangalan niya 'no? Lieven... closer to liar! Hahaha!" patuloy pa din ni Eden.
"Eden!" saway ko na.
Oo, alam ko naman talagang hindi ko pa basta-bastang mababago ang heart's desire ni Lieven... hindi pa sa ngayon pero alam kong darating din ang araw. Darating din ang araw na mamahalin din ako nito kagaya ng pagmamahal na inilalaan ko sa kanya sa loob ng apat na taon.
"Syea, sige na stop na 'ko. Anyways, ba't kaya wala pa yung order natin?" pag-iiba na rin niya sa wakas.
"Oo nga 'no."
"Wait up, puntahan ko nalang muna para i-follow up."
"Ako na, Den." tumayo ako para magboluntaryo.
"Sure ka?"
Tumango ako. "Yes."
Naglakad ako papuntang counter pero nakakailang hakbang palang ako, hindi ko alam kung bakit pero naramdaman ko nalang na biglang nadale ang heels ko sa madulas na tiles ng sahig.
"Ah!" napatili ako nang lumiyad ako at akmang tutumba at tatama sa sahig.
Ang inaasahan kong malamig na sahig na kababagsakan ay hindi ko naramdaman, bagkus ay naramdaman ko ang init ng mga bisig na sumalo sa akin para hindi ako tuluyang matumba.
Tiningala ko ang mukha nito at natulala ako nang makita ang hindi pamilyar na mukha ng isang gwapong lalaki...
Bagong-bago ang mukha niya, parang hindi ko pa nakikita kahit kailan. Hindi lang siya gentleman dahil sa pagsalo sa akin, makisig din siyang lalaki dahil ramdam ko ang naglalakihan niyang muscles sa braso nang sinalo niya ako sa mga bisig niya, and yeah, he looks very handsome!
Nagtitigan kaming dalawa ng ilang sandali pero nang makabawi ay agaran akong tumuwid sa pagkakatayo at siya rin ay marahang inalalayan ako sa pagkakatuwid.
"Okay ka lang, miss?" seryoso pero malumanay niyang tanong.
"Ah, oo. Maraming salamat sa pagsalo sa akin at sorry sa abala." awkward kong sinabi.
Ngumiti siya't umiling... pati ngiti niya, pakiramdam ko pagkakaguluhan ng maraming kababaihan.
"Hindi, ayos lang. 'Wag mong isipin na nakakaabala ka."
Hindi lang din pamatay ang ngiti niya... pati rin ang maamong tinig niya at mukhang mabait na dating ng itsura.
"My ghad, Natasya! What happened to you, friend? Ayos ka lang ba?" kaagad namang nag-aalala ring dalo ni Eden sa akin.
Tinanguhan ko ang kaibigan ko. "Ayos lang, Den. Mukhang hindi lang kinaya ng heels ko ang kintab ng sahig kaya nadulas ako."
"Kaloka naman pala itong restong ito! Next time na pupunta ulit tayo rito, 'wag na siguro tayong magsuot ng heels, magrubber shoes nalang tayo! Ang dulas pala eh!"
Napailing nalang ako sa kapuputak ni Eden.
Pansin ko naman kaagad ang marahang pagtawa ng lalaki sa gilid dahil sa gigil na banat ng kaibigan ko. Maging si Eden, napansin din ito.
"Anyways, sino naman pala itong nagpapaka-knight in shining armour at to the rescue sayo, ha? In fairness, girl, ha! Ang gwapo!"
Siniko ko nga. Ang daldal eh!
Awkward na nginitian ko ang lalaki, ako nahihiya sa pinagsasabi ni Eden eh!
The man just smiled like he didn't mind at all and then he extended his hand to her. "I'm Chance."
Tinanggap naman niya ang kamay nito. "Hello, I'm Eden!"
Pagkatapos nitong makipagkamay sa kaibigan ko, sa akin din ay nilahad nito ang kamay nito. "Chance."
Tinanggap ko din iyon. "Natasya."
"Uy, hindi lang gwapo at gentleman. Girl, ang ganda din ng pangalan! Chance! May chance!" mapaglarong palatak ni Eden saka siniko ako at loka-lokang tumawa.
"Den!" matigas kong saway.
Mamaya kung ano pang isipin ni Chance sa amin. Baka sabihin niyang mga loka-loka kaming babae!
"It's okay." ani Chance habang marahang nakangiti. "I know your friend has a sense of humor."
"Sense of humor? Oo, nasobrahan nga eh!" biro ko na din.
"Oo, mukha nga." sang-ayon naman nito saka mahinang tumawa.
"Naku, enough na. Kayong dalawa, pinagtutulungan n'yo na ako! Anyways, may kasama ka ba ngayon, Chance?" sa wakas, tumino din ang loka.
Umiling ang lalaki. "Wala nga eh."
"Kung gano'n, would you like to join us?"
"Uhm, kung pwede... at kung okay lang sa inyo..." humble na sinabi ni Chance.
"Okay na okay lang, ano ka ba!"
Tiningnan ako nito. "Natasya?"
Tumango ako. "It's okay, Chance, since wala ka rin namang kasama."
"Oh sabi sayo 'diba? Okay na okay lang saka okay lang din kay Nati my friend!" palatak pa rin ni Eden.
Kulit talaga!
Nagkatinginan kami ni Chance at kapwa nalang kami napangiti na napailing dahil sa kabaliwan ng friend ko.
"Sige na, ako na magfa-follow up ng order natin, Nat, at baka dumulas ka na naman. Dalhin mo nalang itong si Chance sa table."
Nagpresinta na si Eden na siya nalang magfa-follow up ng order at ako nama'y iginiya na nga ang bagong kakilala sa mesa namin.
He even pulled the chair for me before he sat down.
I smiled on my newly found friend. "Thank you."