Chapter 45 Tin's POV "Celestine, please kindly contact Mr. Sanchez, pakisabi kailangan sya dito sa kompanya." rinig 'kong utos sa akin ni Angel nang makalabas ito sa loob ng opisina ni Miss Libiran. 7:00 am pa lang ng umaga at kakapasok ko palang, ngunit parang haggard na haggard na si Angel, dahil halata sa kilos nito na hindi ito mapakali. Napalunok na lang muna ako bago nagawang magtanong. "Mr. Sanchez? Sino 'yon, Angel?" takang tanong ko, na ikinahinto nito, bago bahagyang napahampas sa noo. "Oo nga pala bago ka lang natural hindi mo pa kilala si Mr. Sanchez." wika nito, bago pumunta sa desk ko at hinalungkat ang ilang makakapal na notebook duon. Pinanonood ko lang naman ito sa ginagawa, hanggang sa may inilabas itong malaking libro, at nang buklatin nito iyon ay napaawang na

