Chapter 39 Tin's POV KINABUKASAN, maaga akong pumasok sa School. Thankfully nawala na ang lagnat ko kaya pinayagan na ako ni Mommy na pumasok. Nag-alala na rin ako dahil sabi ni Glenzyl may biglaang quiz daw kahapon kay Sir Gizmundo, ayoko po namang bumagsak sa subject niya, tiyak mawawala ako sa dean's list pag ganon ang nangyari. "Oh, buti naman nakapasok ka talaga. Akala ko hindi ka pa papayagan ni Tita e." bungad sakin ni Glenzyl nang makita ako nitong naglalakad patungo sa upuan ko. Inilapag ko muna ang bag ko bago ito nginitian nang maliit. "Wala naman na akong sakit kaya pumayag na si Mommy." sagot ko naman, bago naupo paharap sa direksyon nito. "Oo nga pala, magte-take din ako ng quiz kay Sir Gizmundo. Kinabahan ako dun sa text mo e." Natawa naman ito sa sinabi ko. "Ikaw tal

