Chapter 22 I was just smiling, while his eyes are hooked unto me. Ilang segundo na ang lumilipas, pero nananatili pa rin ang mga mata nito sa akin, habang may kung anong emosyon na mababakas duon. Hindi ko man mabasa ang emosyon na bumabalot sa mga mata nito, nakaramdam pa rin ako ng pagka-ilang kaya ako na ang unang nag-iwas ng tingin, at nagpatuloy sa paglalakad. Dahil sa ginawa ko, mukhang natauhan na din ito at dali-daling sumabay muli sa akin sa paghakbang. “Sorry Celestine. Hindi ko sinasadyang mapatitig ng gan—” “—Ayos lang 'yon.” agad na sansala ko bago pa ito makatapos sa pagsasalita, at nginitian. “You're just looking at me. Alam 'kong walang ibang meaning 'yon.” sabi ko pa, bago humugot ng hininga. “Nga pala, about dun sa invite mo, hindi ko alam kung makaka—” “Can you p

