Chapter 59 NAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman ko ang marahang pagtapik nang kung sino sa pisngi ko, na sinundan nang pamilyar na boses ni Xander. "Celestine, come on. We're here. Wake up." panggigising nito, kaya naman marahan 'kong iminulat ang mga mata ko. Medyo malabo pa iyon nuong una, ngunit nang luminaw ay nakita ko ang nakangiting si Xander. "Nasa loob na sila. Let's go." I immediately sit straight, as my eyes roam around. Kesa noon, mas matayog na ang mga puno, at mas napuno nang bulaklak sa palibot nang resthouse nila Christina. May iilang rosas at orchids, ngunit halos karamihan ay santan, na ikinangiti ko. Tinignan ko naman si Xander, na ngayon ay nakatayo sa may pintuan ng kotse, sa tapat ko, at nakatingin lang sakin na para 'bang hinihintay ako. Nakaramdam naman ako nan

