The innocent Girl

382 Words
episode 1 Pakanta kanta pa si Liza habang pauwi sa kanila, tuwang tuwa sya dahil nakapagbayad na sya sa kanilang graduation fee at wala na syang aalalahanin pa sa araw ng graduation nila dahil nakapagrent na din sya ng toga na kanilang gagamitin. Pagdating sa kanilang tarangkahan ay dagli nyang niyapos ang kanyang ina na abala sa paghihiwa ng mga gulay na sa tingin nya ay kinuha nito sa likod ng kanilang tahanan, simple ang kanilang pamumuhay ngunit hindi sila nahihirapan masyado pagdating sa png araw araw nilang pkain sapagkat marami silang mga pananim na mga gulay na kanilang likuran na pinagtulungan nilang itanim kung kaya naman ay nakakakain sila ng tatlong beses sa isang araw. oh! Liza, anak nandito kna pla, tamang tama at nakapagdaing na ako ulam nlng natin ang aking lulutuin, wika nito sa kanya,"hala magpalit kna ng damit at tama lang maluluto na ang ilam natin pagkatapos mo, ang sabi nito sa kanya..matapos magmano sa ina ay tumalima nman si Liza sa kanyang silid upang magpalit ng damit. Sige po Nay, magbobihis lang po ako saglit para matulungan kita maghain sapagkat may sasabihin din po ako sa inyo ni tatay, nakangiti nyang wika sa ina, na ikinamangha nman nito.matapos ang 5 minuto ay nakasuot ng mumurahing damit si Liza ngunit hindi hadlang ang kanyang kasuotan upang hindi masilayan amg magandang hugis ng kanyang katawan tinirnohan nya nya ng isang kupas ng short na maong ang kanyang blouse na bakat na bakat nman ito sa kyng balakang. Kumuha ng 3 pinggan si Liza at inilagay sa lamesa, kumuha din sya ng isang pitsel at dalawang baso pagkatapos ay saka sta nagsandok ng kanin na inilagay nya sa isang malaking lalagyan, pagkatapos maihanda ang mga kakailanganin ay saka nya tinawag ang kanyang ama na abala sa pagsisibak ng kahoy. Tay! Tay! tawag nya habang pinupuntahan sa likod ng bahay ang kanyang ama, nang matanaw ito ay saka nya nilapitan at inayang pumasok na sa loob para makakain na sila.,sabay silang nagtungo sa loob ng kanilang tahanan upang makapaghapunan. oh! sya sya, basag ng kanyang ina, manalangin muna tayo bago kumain at sabay sabay silang nagdasal ng taimtim bilang pasasalamat, makaraan ang labinlimang minuto ay masaya na silng naghahapunan at masayang ibinahagi ni Liza ang magandang balita sa kanyng mga magulang.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD