REIGHN SELESTINE “Subukan nga natin kung matibay pa ang tuhod ko o uugod ugod na ako?” nakangisi na tanong niya sa akin. “Sige nga, subukan nga natin kung talagang matibay pa ang tuhod ng mahal ko.” pabiro rin na sabi ko sa kanya. “You will regret this,” nakangisi na sabi niya. Tumawa lang ako. Friday naman ngayon kaya puwede niya akong pagurin pero habang hinahalikan niya ako sa labi ay bigla ko na lang siyang pinatigil. “Mahal, gusto kong magbar.” sabi ko sa kanya na ikinagulat niya. “What?” “Parang gusto ko magbar na kasama ka. Alam ko naman kasi na hindi mo ako papayagan kaya tayong dalawa na lang ang pupunta doon. Friday naman ngayon kaya siguro naman papayagan mo ako. Gusto ko lang,” sabi ko sa kaya. “Kung kasama mo ako ay papayag ako pero hindi tayo aalis ng walang warm up

