VIZENCIO Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nakuha ko na ang blessing na kailangan ko mula sa kaibigan ko. Habang nandito kami ngayon sa ilog ay napapangiti na lang ako bigla tuwing naalala ko. Naiinis siya lagi sa akin pero binigay pa rin niya dahil sa sobrang pagmamahal niya sa anak niya. “Kuya, panay ka ngiti diyan, siguraduhin mo lang na si ate ‘yan dahil kung hindi ay isusumbong kita,” sabi sa akin ni Adler kaya natawa ako. “Paano kung sabihin ko na hindi ang ate mo?” tanong ko sa kanya. “So, bakit pa kita tinutulungan kung hindi naman pala siya–” “Masaya lang ako, masaya lang dahil tinanggap na ako ng daddy niyo sa pamilya niyo,” nakangiti na sabi ko sa kanya. Baka kasi ano pa isipin niya at bigla na lang akong isumbong sa asawa ko. Isa sa mga iniiwasan ko ay a

