REIGHN SELESTINE Today is my graduation pero mag-isa ako dito. Bigla kasing pinatawag si Kuya Vin ng daddy niya. Pero ang sabi naman niya sa akin ay hahabol siya. Nandito na rin sila Mama Veron kasama niya si Kian. Sa totoo lang ay kinakabahan ako na baka hindi siya dumating. Malapit ng magsimula ang ceremony pero wala pa rin siya. Tumingin ako kay mama at ngumiti siya sa akin kaya naman ngumiti rin ako. Nanatili lang ako sa upuan ko. “Okay ka lang ba?” pabulong na tanong sa akin ni Gwen. “Okay lang ako,” sagot ko sa kanya. “Baka malapit na siya. Diba sabi niya hahabol siya? Wala ka bang tiwala sa kanya?” nakangiti na tanong sa akin ng kaibigan ko. “May tiwala ako sa kanya,” sagot ko. “Really?” “Opo,” sagot ko sa kanya. “Kaya ‘wag ka ng masyadong mag-aalala.” nakangiti na sabi ka

