CHAPTER 65

1859 Words

REIGHN SELESTINE “Balak mo bang sirain ulit ang pinto ko?” mataray na tanong ko sa kanya dahil ang seryoso ng mukha niya. “Kung kailangan kong sirain palagi ang pinto mo ay gagawin ko basta kausapin mo lang ako,” sabi niya sa akin. “Kung ikaw lang naman ang magpapaayos, sige sirain mo.” mataray na sabi ko pero nagulat na lang ako sa sumunod niyang ginawa. “Anong ginagawa mo?” gulat na gulat na tanong ko sa kanya. “Sinira ko na para wala ka ng dahilan na isara ang pinto mo kapag nagseselos ka. Wala ka ng ila-lock kapag galit ka,” sabi niya sa akin. “Ipaayos mo ‘yan,” seryoso na sabi ko sa kanya. “No! Hindi ko na ‘yan ipapaayos.” “Ipaayos mo,” sabi ko ulit sa kanya. “Hindi ko ipapaayos.” nagmamatigas na sabi niya. Naiinis ako sa sagot. Lumabas ako at pumunta ako sa apartment niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD