REIGHN SELESTINE After one hour ay bumalik na ang boyfriend ko. Nagulat pa ako dahil ibang sasakyan na ang dala niya. “Kaninong kotse ‘yan?” tanong ko sa kanya dahil ang ganda ng sasakyan na dala niya. “Sa kaibigan ko,” sagot niya sa akin. “Pang camping ‘yan diba?” tanong ko sa kanya. “Yes, mahal.” Nang marinig ko ang sagot niya ay bigla na lang akong na-excite. Camping pala ang pupuntahan naming dalawa kaya pala sinabi niya na malayo ang pupuntahan namin. Saan kaya kami pupunta? Maganda kaya doon? “Tara na,” nakangisi na sambit ko at hinila ko na siya papunta sa sasakyan. Kailangan na rin naming magmadali dahil baka biglang bumalik ang ex niya. “Mayaman ba ang kaibigan mo? Ang mahal ng ganitong sasakyan diba?” tanong ko sa kanya. “Oo, mayaman siya.” sagot niya sa akin. “Malaki

