VIZENCIO Hindi ko alam na ilang buwan na pala ako na nakaratay dito sa ospital. Malaki na rin ang tiyan ng asawa ko. Hindi ko man lang nasubaybayan ang paglaki ng tiyan niya kaya nakaramdam ako ng lungkot sa puso ko. Noon kasi ay sobrang excited ko na maging parte ng journey niya kahit na medyo weird ang mga pinaglilihian niya. Alam ko na sobrang nahirapan siya sa akin at sa pagbubuntis niya lalo na kasagsagan pa ‘yon ng paglilihi niya. Nalaman ko sa mommy ko na ang asawa ko ang tunay na naghirap sa akin, sa pag-aalaga sa akin.. Ni hindi niya hinayaan na tulungan siya ni mommy lalo na sa mga expenses ko dito sa ospital. Kinaya niya ng mag-isa at ang sabi pa ng mommy ko ay hindi raw tinatanggap ni Reighn ang mga tulong kahit pa galing sa pamilya niya. Kaya sobrang humanga ako sa kanya.

