VIZENCIO Ayaw ko man ay kinailangan ko na siyang ibalik sa bahay nila. Nakauwi na rin ang daddy niya. Balik ako sa dati kong trabaho ang maging driver ni gov. Nakilala ko rin ang mataray pero maganda na inaanak ni gov. Ang nagpapasakit sa ulo ng boss ko. May something pa naman akong naamoy sa boss ko kaya inaasar ko siya lagi pero napipikon lang sa akin. Lumipas pa ang mga araw at muli na namang pumasok sa school ang lady boss ko. Hindi na siya ang cute kong boss dahil ang ganda-ganda na niya talaga. Mas lalo na akong napapamahal sa kanya kaya hindi ko na sinasagot ang tawag ng mommy ko dahil lagi na lang niya akong kinukulit. Wala pa talaga akong balak na umuwi o bumalik sa US kasi kapag ginawa ko ‘yun ay alam ko mahihirapan na akong makabalik dito. Kaya wala pa akong sagot sa kanya ng

